Cancel#34

2.8K 59 2
                                    

                      "Hi miss curly" awtomatikong tumaas ang kilay ni Kimie nang bumungad sa kanya ang lalaking may ruon pang stethoscope na nakasabit sa leeg.

                      "Who are you?" Tanong nya.

                     "Nagkita na tayo last time, nung nakamotor kayo ni Thaddeus" sabi nitong tinanguan nya nang maalala ang tinutukoy nito.

                      "By the way, I'm Kaiser" pagpapakilala nitong tinanguan nya.

                      "Why are you here then?" Tanong nyang lumapit sa kotse ni Thaddeus.

                      "Inutusan ako ni Thaddeus na ihatid ka dahil daw paniguradong papasok ka na sa trabaho" sabi nitong dahilan para pumihit sya paharap rito.

                      "Sabihin mo kaya ko na ang sarili ko, pwede mo nang ituloy yung surgery mo na naudlot" sabi nya't binuksan ang pinto ng driver seat.

Napailing sya nang mapakamot ito sa batok at pagkatapos ay tumalima para buksan ang pinto sa passenger seat saka ruon naupo.

                        "Sabi ko sayong kaya ko na 'di ba?" Gulat na tanong nya rito dahil sa ginawa nito.

Naitikom nya ang bibig nang makitang pumikit ito ng mariin pagkatapos ay nahihiyang tumingin sa kanya.

                       "I don't have a car" nahihiyang sabi nito na nagpalaglag ng panga nya. Napakaimposibleng wala itong sasakyan!.

                       "Thaddeus carnapped my one and only Ferrari at binawi ni Levitor yung sasakyang binigay nya sakin kaya...." kinagat nito ang ibabang labi.

                       "Can you drive me to the estelio boutique?" Napakurap-kurap sya nang makita kung gaano ito kaseryoso sa hinihiling nitong parang sya nalang ang nag-iisang pag-asa nito.

                       "O..kay" ilang na sagot nyang ipinagpasalamat ng kasama. "Pero ba't sa boutique? Kala ko babalik ka sa hospital?" Tanong nya nang hindi mapigilan.

                        "I have an important operation" sagot nitong nagpakunot ng noo nito. "Not a surgery but shopping operation with that brat lady" paglilinaw nitong bakas ang pagkadisgusto na nagpatawa sa kanya.

Thaddeus and his friends made her realize that even the man that is harder than a stone is capable of being this soft and doing things they don't even want to do.

                      "Ang Cute, sino kaya yan?" Natatawang sabi nyang naging halakhak nang nahihiyang umiwas ng tingin ang lalaki.

Pagkarating sa boutique ay ang babaeng nakasuot ng puting pencil cut skirt at white blouse na naka pony tail ang may kahabaan nitong straight na straight na buhok ang nakangusong bumungad kay Kaiser.

Para mang asar ay sinadya nyang bumaba sa kotse at kinawayan ang babaeng agad dumilim ang ekspresyon. Pigil nya ang matawa nang mabilis na naglakad papunta sa kanila ang babae at isinukbit ang kamay sa braso ni Kaiser habang nasa kanya ang tingin nito.

                      "Who are you? Bakit kasama mo si doc?" Tanong nitong maasim ang mukha.

                      "Me? I'm his job, don't you know?" Pang-aasar nya pa. Si Kaiser ay nanatiling tikom ang bibig na parang wala lang syang sinabi na hindi nya alam kung iniinis ba nito ang kasamang babae o di lang nito gets na naiinis ang babae sa kaalamang yun.

Billionnaire Series#04: CANCEL 100Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon