Special Chapter

6K 145 27
                                    

Here's the special Chapter, actually this is my most favorite chapter in the whole novel. Paulit-ulit ko tong binasa pero gusto ko pa rin, Haha. By the way, dahil sa ito na talaga ang pinaka last chapter nitong kwento ni Thaddeus, maga advance na ako. Sana abangan nyo rin ang series Five, Kaiser's story. Abangan kung sino ang female lead at kung anong ikot ng kwento ng buhay nya.

Mensahe mula sa kyut nyong awtor!

~●~

                 "Thaddeus!" Malakas na sigaw ni Kimie sa pangalan ng asawa.

Tinawagan nanaman sya ng guidance councilor ng school na bagong pinapasukan ng mga anak nila. 3rd year high school na ang mga anak nila at walang permanenteng eskwelahan at dahil yun sa loko-loko nyang asawa.

                  "Bakit mo ba kasi tinuturuang makipag-away ang mga anak mo?" Paninermon nya rito.

Kagat - kagat nito ang ibabang labi at naka-squat habang may libro sa ulo at kamay. Pinapapunta nanaman sya sa school dahil daw sa pakikipag-away nanaman ng dalawa nyang anak na walang iba kundi si One at Two.

                 "Whisky, hindi ko sila tinuruan makipag-away" pagtatanggol ni Thaddeus sa sariling pinanlakihan nya ito ng mata.

                  "Anong hindi? Ano yung tinuro mong karate, teakwondo, judo, boxing at pati gun shooting at archery sa mga anak mo?. Ginagawa mo militar yang mga anak mo eh!" Dinagdagan nya pa ang libro sa kamay nito.

                  "Whisky, that's for their self protection" katwiran ni Thaddeus.

                   "Self protection? Tignan mo ginagawa nila? Halos wala nang tumatanggap na school sa kanila! Kung hindi matatalino mga anak mo wala na talagang pag-asang makapasok pa sa paaralan yan!" Paninermon nya pa pero ang gunggong ay ngumiti pa.

                   "Pero 'di ba nga, matatalino sila?" Katwiran pa nitong nagpakulo lalo ng dugo nya.

                    "Arghhh bwisit ka talagang lalaki ka!" Nasabi nalang nya't umakyat sa kwarto.

                    "Maghanda ka, pupunta tayong school dahil nakipag-away nanaman ang mga anak mo!" Masungit na ani sa asawang agad tumayo at sumunod sa kanya.

Nang makita sila ng guard ay agad nitong binuksan ang gate. Sa dalas makipag-away ng mga anak nila ay ganun din kadalas ang pagpunta nila sa school kaya mapagkakamalan na silang eatudyante sa school na yun.

Pagpasok pa lang nila ay ang sigawan agad ang narinig nya.

                    "Montegamo Siblings ulit!" Rinig nyang sabi ng estudyanteng tumatakbo papunta sa likod ng guidance office.

Nagkatinginan sila ni Thaddeus saka magkahawak ang kamay na mabilis tumakbo papunta sa pinupuntahan ng mga estudyante at nakipagsiksikan ruon.

Duon nya nakita ang anak na si Katthalia na may sugat sa balikat na hinarangan ng dalawang kapatid nito. Pamilyar sa kanya ang gantong tagpo.

                    "How dare you to hurt our princess!? I'll kill you hard ass!" Sigaw ni One.

                    "Kung sinong manakit ulit sa kapatid ko, ako ang babali sa buto nyo!" Sigaw naman ni Two.

Si Katthalia ay nanatiling nakapwesto sa likod ng dalawang kuya nito habang pinipigilang maiyak. She's too soft compared to her 2 brothers.

Gaya nya ay hindi kumilos si Thaddeus at nanood lang. Masyado itong bilib sa mga anak para makialam pa ito.

Mabilis ang kilos ng magkapatid na One at Two na inatake ng sipa ang dalawang nasa unahan at sinunod ng isa pang sipa ang isa pa bago tumama sa lupa ang talampakan ng mga ito. They moved in sinc na para bang iisa lang ang naiisip ng mga ito.

One made a flying kick supported by Two who jumped above One and give a double kick to the two guys. Masyadong mabilis ang pangyayari hanggang sa tuluyang mapatumba ng dalawa ang nasa kinseng kalaban at nang matapos ay muli itong pumwesto sa harap ni Katthalia na para bang matibay na bakod na sino mang lalapit sa kapatid ay tyak na masasaktan.

                 "Right, their ultrasound results" aniyang nakaagaw sa atensyon ng asawa nya.

                 "Kaya dalawa lang lagi ang nakikita sa ultrasound ko noon ay dahil hinaharangan nila si Katthalia" may ngiting aniya.

Pati si Thaddeus ay ngumiti at hinalikan sya sa mga labi bago lapitan ang mga anak. Nasa tyan nya palang ang mga anak ay pinoprotektahan na nito ang nakababata nitong kapatid. Her sons are great brothers, a protective one.

                 "Dad" —One
                 "Mom" —Two

Bakas ang kaba na mapagalitang tawag sa kanila ng dalawang anak na lalaki pero nginitian nya ang mga ito.

Lumapit sya kay Katthalia at nang simulan nya itong yakapin ay saka lang ito umiyak. Nag-aalalang lumapit ang dalawa nitong kuya na pinapatahan ang babaeng kapatid kaya hindi nito napansin ang lalaking bumangon at hahampasin sana sa ulo si One ng hawak nitong bakal na maagap na nasalo ni Thaddeus gamit lang ang isa nitong kamay.

Nakapamulsa pa ang isa nitong kamay na parang 'di alintana ang lakas ng estudyanteng lalaki pagkatapos ay malakas nitong sinipa sa sikmura ang lalaking hindi pa rin bumubitaw sa bakal.

                 "Don't do that students ah, this thing is dangerous" ani Thaddeus na tinutukoy ay ang ginawa ng lalaking paghampas sana kay One na parang balewala ang ginawa nitong pagsipa sa estudyante.

                  "And yeah, the thing I did was a self defense, right?" Ani Thaddeus na tinutukoy ay ang pagsipa sa estudyante na natatakot na tinanguan ng lahat ng nakakita.

                   "Dad!" Sabay na tawag nila One at Two sa ama na parehong natutuwa.

Identical twin sina One at Two pero hindi sila nalilito dahil anak nila ito. Kahit magkamukha pa ang dalawa ay makikilala't makikilala nila ang dalawa.

Katthalia have the same face as her but her eyes is like Thaddeus eyes. Ito ang nagmana sa mga mata ni Thaddeus.

Samantalang sina One at Two ay kamukhang-kamukha ni Thaddeus na may halo lang ng pagiging matapang na awra ni Kimie at ang kulay ng mga mata nitong namana sa kanya.

Katthalia have a curly hair like her and same as Two na kulot rin ang buhok na hindi nga lang kasing kulot ng kanya.

Buhok lang talaga  ang patalandaan ng iba sa dalawa nilang anak na lalaki.

                 "Montegamo family!" Sabay-sabay silang napasinghap nang sumigaw ang dean na kalbo na ang tuktuk ng ulo nito.

                 "Come to my office now!" Sigaw nitong lahat sila ay nagmadaling sumunod.

                 "Faster!" Sigaw pa nito.

                 "Yes Kalbo!" Sabay-sabay nilang nasabi dahil sa gulat kaya sabay-sabay silang nagmadaling tumakbo. Ba't kasi nang gugulat?.

Ang takot at gulat ay nauwi sa tawanan nilang buong pamilya. This Family of them is a family of crazy people.

Billionnaire Series#04: CANCEL 100Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon