Hinilot ni Kimie ang noo nang magising syang masakit ang ulo. Kinagat nya ang ibabang labi nang maalala nanaman ang nangyari sa kanya at sa pamilya nya, napakasakit at naiiyak nanaman sya. Tinuyo nya ang luha at bumaling sa papel na nakalapag sa bedside table nya.
From: Pretty Hailey
Woi, sleeping beauty! Antagal mo magising at hindi ako pwedeng malate kaya umalis na ako. May pagkain sa ref initin mo nalang. And wag ka na muna pumasok sa trabaho mo babae ka ah, umayos ka, makinig ka sa iyong pretty friend. Mamaya usap tayo.
Take care ah, TAKE CARE ❤ LOVE YOU
Napangiti sya sa mensahe ng kaibigan nya't nagawa nang bumangon. Nakahanda na rin ang gamot nya dahil baka sumpungin nanaman sya ng ulcer na akala nya ay wala na.
Itinali nya ng bun ang buhok nyang napakagulo pagkatapos nag toothbrush bago lumabas ng kwarto para magtungo sa kusina, nang mahagip ng kanyang paningin ang lalaking natutulog sa mahabang sofa. Una ay kumunot ang ulo nya pero nang makita ang mukha nito ay bigla nyang naalala yung huli nyang narinig bago sya mawalan ng malay. Kung ganun, hindi pala yun isang panaginip? Naruon nga si Thaddeus.
Kinagat nya ang ibabang labi at wala sa sariling naupo sa sahig paharap sa binata. Nanunubig ang mga mata nya sa hindi nya malamang dahilan. Mas lalo syang naiyak nang makita ang kamay nitong may benda at walang pagdadalawang isip na hinaplos nya ang palad nito. Kakakilala nya pa lang rito pero pakiramdam nya napakakomportable na nya rito at lalo syang naguguluhan dahil dun.
Umangat ang kamay nya sa nakakunot nitong noo at hinaplos nya iyun. Habang tinititigan ng malapit ang binata ay ang kapatid nyang si Kairhine ang unang pumasok sa isip nya. Ang sakit ng puso nya, pinagbibintangan sya nitong inagaw nya si Thaddeus, sabi nitong ahas daw sya at dahil dun galit na galit sa kanya ang Dad nya't step mom nya.
Hindi sya kumurap nang unti-unting magmulat ng mga mata si Thaddeus. Mas lalong kumunot ang noo nito at pumihit patagilid para mas lalo silang magkaharap. Hinaplos nito ang pisngi nya't tinuyo nito ang luha nya ruon.
"Why?" Tanong nitong lalong nagpaiyak sa kanya. She must be mad at him because this man is the reason why she's broken. This is the reason why his family hates her. Sininok sya't lalong lumakas ang pag-iyak nya.
"DAD..." Wala sa sariling natawag nya ang Dad nya. Ang sakit-sakit... sobra... "Ang sakit" pagsusumbong nya sa binata na napamura at napakagat ng ibabang labi.
Kumilos ito at malaya sya nitong niyakap habang sya naman ay walang tigil sa pag-iyak.
"Bakit ganun sila? Bakit ayaw nila sakin? Ba't galit na galit sila sakin? Ginagawa ko lahat ng gusto nila eh... isa lang naman hinihiling ko... sana... sana mahalin din nila ako... bakit ganun? May mali ba sakin? Pangit ba ako? Kaya ba... kaya ba—"
"Sshhh there's nothing wrong with you" pagpapagaan nito sa loob nyang lalo syang napaiyak.
"Then why?" Parang bata syang malakas na umiyak habang yakap-yakap sya ng binata. Napakasakit talaga ng sobra. "Ano bang dapat kong gawin?" Umiiyak nyang tanong na hindi malaman kung para ba sa binata o para sa sarili nya.
Bumitaw sa pagkakayakap si Thaddeus at muli nitong hinaplos ang magkabila nyang pisngi at tinuyo ang luha nyang agad lang napalitan. Looking at his orange eyes makes her calm.
"Thad.." sambit nya sa pangalan nito. Tipid itong ngumiti kasabay ng pagpatak rin ng luha nito.
"Sshhh don't cry, you're hurting me too" pinigil nya ang pag-iyak pero hindi nya magawa, sinisinok sya't napapahikbi pa rin.
BINABASA MO ANG
Billionnaire Series#04: CANCEL 100
Romance(COMPLETE - ✓) Billionnaire Series#04: Thaddues Montegamo "If loving you means letting go of everything I have then I will!" - "Ikaw ang mahal ko kaya bakit mo ako pinagtutulakan sa kanya? Damn it Dietrys, I love you, only you!" - "Fine then, for n...