Cancel#03

6.3K 125 5
                                    

Zup SWEETIES ako'y nagbabalik para sa Update!!!

~•~

Bumuntong hininga nalang si Kimie sa sobrang pagkairita sa boses ni Bryle na walang tigil sa pangungulit nanaman sa kanya. Hindi rin nya maintindihan ang sarili dahil noon naman nang ginagawa ni Bryle ang paglubog at paglitaw nito nang basta-basta lang pero ngayon lang sya nawalan ng ganang ientertain ang pagbabalik nito.

"Kim, I did really missed you" pag-uulit nito kaya wala syang nagawa kundi ang harapin ito.

"Missed? Pass tense? Past na pala eh geh na layas na now!" walang ganang sabi nya rito.

Frustrated nitong naihilamos ang palad at naupo sa table nya. Nambubwisit talaga ito sa mga pinaggagagawa nito. Ang loko naman kasing si Harvin ay pinapasok pa ito sa opisina nila.

"Bryle, marami pa akong trabaho kaya pwede ba alis ka muna?" Napapagod na sabi nyang hindi nito pinansin.

"Kim, fine, I'm sorry sa nagawa kong mali. Sorry na talaga promise babawi ako. I love you Kimie, totoo" kung dati ay nadadala pa sya sa mga salita nito ngayon ay naiirita na sya. Napakamot sya sa kilay na naiiritang tinaas ang tingin rito pero nahinto ang tingin nya sa pagitan ng hita nito kung saan umbok ang kung anong tinatago nito roon.

Like a flashback an image of a handsome man holding his poor thing while cursing multiple times pump up to her mind. She blink trice then tilted his head still looking at the center of Bryle's thighs.

"W-why are you looking at my..." Hindi maituloy ni Bryle ang sasabihin na wala naman syang balak pakinggan. May isang tanong na naglalaro sa isip nya.

"Pagtinuhod ko ba yan, masakit ba?" Tanong nyang nakatingin pa rin sa umbok nitong pagkalalaki.

"What?" Bulalas nito dahilan para sa mga mata nito bumaling ang tingin nya. Gulat ito at may bahid ng takot sa mga matang napahawak sa alaga nito.

"Pag na matuhod yan kahit mahina lang masakit? Gaano kasakit, sobra ba?" Curious na tanong nyang ikinangiwi ng kausap.

"Bakit ka nagtatanong?" Tanong nitong dahilan para mainip nya. Ang tagal naman nitong sumagot.

"Sagutin mo nalang kasi ako!" Paninigaw nya rito na nakaagaw ng atensyon ng karamihan.

Napalunok si Bryle bago nito ayusin ang kwelyo at naiilang na napilitang sumagot. Ni hindi ito tumingin sa kanya nang simulan nitong ibuka ang bibig para magsalita.

"O-oo, masakit. Tapos dipende sa tumuhod. Kung ikaw, yung mahina para sayo sobrang sakit nun" pagsagot nitong ikinakagat nya ng labi. So, masakit pala talaga. "Hindi mo naman siguro balak na tuhudin yung ano ko, di 'ba?" Kabadong tanong ni Bryle.

Sinamaan nya ito ng tingin pagkatapos ay malokong ngumiti.

"Hindi ko pa naman balak sayo. Atsaka wag kang mag-alala Bryziel Timothy Alegre dahil pag tinuhod kita hindi ko hihinaan. Itotodo ko yung lakas para damang-dama!" Mataray na sabi nya't tumayo na.

"Tabi! May VIP pa akong kliyente kaya tyupi ka muna!" Pagkatapos sabihin yun ay tinalikuran nya ito kasabay ng paghawi sa curly nyang buhok. Tsk, sarap manapak ng ghoster eh pero mabait sya kaya hindi sya ganun.

Billionnaire Series#04: CANCEL 100Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon