Hindi alam ni Kimie kung paano nya pa nagawang makabalik sa mansion na tinutuluyan nila ni Thaddeus.
Namamaos na sya't wala nang lakas na tinitigan ang pinto ng mansion na para bang magsasalita iyun at sasabihing kailangan nya nang gumising mula sa bangungot na yun pero walang ganuong nangyari.
Pinunasan nya ang pisngi nang may luhang muling gumapang ruon. Pagod na sya kakaiyak pero hindi pa rin nauubos ang luha nya.
Naisip na rin nyang umuwi sa condo unit nila ni Hailey pero paniguradong magtatanong si Hailey at wala syang lakas para sumagot sa mga katanungang yun.
Masyado na syang pagod at nasasaktan kada sandaling maalala nya ang mga nalaman. Sa dinamirami ng tao bakit si Thaddeus pa? Bakit kailangang sila pa? Bakit kailangang paglaruan sila ng tadhana ng ganito?.
Dapat pala nakinig sya sa sinabi nung lalaking naka hoodie. Dapat pala hindi na nya inalam ang mga bagay na yun. Tama ang lalaking yun, masasaktan nga sya at mas masasaktan si Thaddeus.
Sanay na syang maubusan, sanay na syang mawalan pero si Thaddeus. Nung mga panahong nakaplano na ang buhay nito para maiwasan nito ang masaktan ay dumating sya, sinira nya ang buhay na plinano nito ng mahabang panahon, sinira nya ang pagiging kontento nito sa kung anong meron ito at binigyan nya ito ng pag-asang may taong mananatili sa tabi nito.
Binigyan nya ito ng pag-asang maging masaya gaya ng iba. Pinaramdam nya rito ang kasiyahang iniiwasan at kinatatakutan nito tapos ngayon ay ito pa ang gagawin nya? Ito pa ang malalaman nila?.
Hindi na nya alam ang gagawin nya, gusto nyang manatili at maging masaya rito pero habang buhay silang mabubuhay sa kasinungalingan, habang buhay silang gagawa ng kasalanan.
Napaupo sya sa tapat ng pinto st pinilit ang sariling patigilin sa pag iyak na inabot ng ilang oras. Para na syang robot na walang kabuhay-buhay nang makapagpasyang pumasok na't dumiretso sa kawarto nila ni Thaddeus.
Pagbukas nya palang ay ang binatang natutulog agad ang bumungad sa kanya. Maingat syang humiga sa tabi nito at sa liwanag ng buwan na nagmumula sa bintana ay nagawa nyang pagmasdan ang mukha nito.
Ito ang gusto nyang makita bago sya matulog at ito rin ang gusto nyang makita pagmulat nya sa umaga. Gusto nya itong yakapin habang natutulog at gusto nyang maramdaman ang paghalik nitong gigising sa kanya sa umaga.
Nakaplano na ang buhay nya kasama ito. Hindi pala, ito na pala ang buhay nya pero paano na?. Lahat ng gusto nya ay kasalungat ng kailangan nyang gawin.
May kasalanan na sila, nagawa na nila pero ayaw nya yung madagdagan pa. This man is a treasure to be ruined. This man deserves more tha a sin she can give to him.
Muling pumatak ang luha nya't hinaplos ang mukha nito. Natatakot syang matapos ang gabing ito, gusto nyang huminto nalang ang oras dahil baka bukas..., dahil baka pagmulat nya ay hindi na nya ito magagawang titigan ng gaya ng nagagawa nya nang mga oras na ito.
Masakit, hangga't maaari ayaw nyang gawin pero wala na syang pagpipilian. She loves this man so much and she only want him to live a life he deserve.
Hindi sya nito mahal bilang babae, hindi sya nito mahal bilang makakasma nito habang buhay kundi baka... baka dahil yun sa dugong nananalaytay sa kanila kaya nahulog ang loob nito sa kanya. Kaya siguro magaan ang loob nito sa kanya, kaya siguro hindi nito magawang magalit sa kanya.
Mahigpit syang napayakap rito para kumuha ng lakas. Sana kayanin nya dahil ngayon palang halos mamatay na sya sa sakit. Ang baby nila, hindi nya alam ang gagawin.
Sasabihin nya ba o hindi? Pero baka pagsinabi nya ay lalo itong maguluhan? Kaya nya naman sigurong mag-isa, tama kakayanin nya.
"I'm sorry.." umiiyak nyang bulong bago sya lamunin ng dilim sa sobrang pagod at panghihina.
BINABASA MO ANG
Billionnaire Series#04: CANCEL 100
Roman d'amour(COMPLETE - ✓) Billionnaire Series#04: Thaddues Montegamo "If loving you means letting go of everything I have then I will!" - "Ikaw ang mahal ko kaya bakit mo ako pinagtutulakan sa kanya? Damn it Dietrys, I love you, only you!" - "Fine then, for n...