Cancel#18

3.2K 71 18
                                    

               "Kimie" pagkalabas nya palang ng building na pinagtatrabahuan ay bumungad na sa kanya si Bryle na binigyan sya ng yakap at halik sa noo.

                "Let's have a dinner?" Aya nitong malapad nyang nginitian at tinanguan. Pakiramdam nya andami nyang kasalanan rito kaya kailangan nyang bumawi.

                 "Okay... lets go" masiglang sabi pa nitong mahina nyang tinawanan.

Inalalayan sya nito hanggang sa makaupo sya sa passenger seat pagkatapos ay umikot ito at sumakay na sa driver seat.

                "Namiss talaga kita ng sobra" napairap sya sa sinabi nito. Masyado na itong cheesy.

                 "Sige ka ipagpatuloy mo lang yan hanggang sa maumay ako, bahala ka" pagbibiro nya ritong tinawanan nito.

Nakangiti sya nang ibaling nya ang tingin sa bintana habang unti-unti nang lumalayo ang sasakyan. Her heart skipped its beat when she saw a man standing meters away from the car she was in. She saw him clearly and when she can't see him anymore she remembered what she promised to him. She promised, she will go out with him tonight.

Hindi nya namalayan ang pagkawala ng luha sa mga mata nya. Remembering how happy he is when she asked him to go out with her, remembering how excited he is, it hurts her heart. Shit, dapat pala hindi na sya nangako.

Nakagat nya ang ibabang labi, pakiramdam nya masyado syang masama, pinaasa nya si Thaddeus sa wala. Pumikit sya ng mariin at duon pinagmumura ang sarili sa isip. Ang tanga-tanga nya talaga. Paano na? Paano na si Thaddeus?.

Wala sa sariling nilingon nya ang pinanggalingan nila pero ang tanga nya talaga para umasang matatanaw pa ang pinanggalingan nila dahil nasa gitna na sila ng highway. Gusto nyang bumalik, gusto nyang balikan si Thaddeus para pagaanin ang loob nito pero paano nya yun sasabihin kay Bryle?.

Wala na lahat ng tuwa ni Kimie, tulala nalang sya sa buong byahe habang iniisip kong ano na kayang nangyari kay Thaddeus, kagagaling palang nito sa sakit, paano kung may gawin itong hindi makakabuti rito?. Nasabunutan nya ang sarili, konting-konti nalang talaga mababaliw na sya ng tuluyan.

Pinagpapasalamat nyang hindi nagsasalita si Bryle, sa pagkakaalam nya kase ay hindi natatahimik ang maingay nitong bibig kaya naguguluhan man sa katahimikan nito ay hindi na nya yun pinansin.

                "Kimie.." rinig nyang tawag nito sa kanya.

               "Hhmn?" Pagod na tanong nya.

               "May emergency pala akong gagawin, ihahatid nalang kita sa condo mo" nang marinig ang sinabi nito ay nabuhayan sya. Mabilis syang nagbaling ng tingin rito saka sumagot.

               "Sige, bukas nalang tayo lumabas" mabilis nyang sagot na tipid nitong nginitian.

Napatitig sya sa harap kung saan kita ang dinaraanan ng sasakyan. Gusto nyang lumipad na ang sasakyan nila para makarating na sila sa condo at sa gayun ay mapuntahan na nya si Thaddeus.

Naputol ang pag-iisip nya nang maramdaman ang kamay ni Bryle na humaplos sa kamay nya. Nang balingan nya ito ng tingin ay ngumiti lang ito at itinuon ulit ang tingin sa daan.

Nakagat nya ang ibabang labi ng makaramdam ng pagkailang. Malapit na yung condominium building at nang maisip na malapit na syang bumaba ay napangiti sya.

                  "We're here" hindi na sya nakapaghintay at sya na ang nagsalita.

                 "I'll leave now baka nagmamadali ka" sabi nya't hinalikan ito sa pisngi ngunit bago nya pa mabuksan ang pinto ng sasakyan ay nahawakan sya ni Bryle sa braso.

Billionnaire Series#04: CANCEL 100Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon