Cancel#43

2.7K 61 4
                                    

Isang lalaki ang natitirang nakatayo na napalilibutan ng mga lalaking nakaitim at  namimilipit sa sakit ng mga bali nitong braso at binti. Dumadaloy sa katawan nito ang tubig ulan na bumasa sa halos kabuohan ng damit nito.

Hinawi nito ang buhok pataas na dahilan para dumaloy sa mukha nito ang tubig. Galit at sakit ang makikita sa mga mata nito nang simulan nitong humakbang patungo sa pintong malawak na nakabukas.

Walang pag-aalinlangan na pumasok ruon at may tinawag na pangalan hanggang sa lumiwanag ang kabuohan ng mansion at naruon ang lalaking nakasuot ng jogger at hoodie.

                      "Thaddeus" tawag nito sa lalaking mabilis na inilang pulgada ang layo ng pagitan nila at sa isang iglap lang ay hawak na nito ang kwelyohan ng lalaking naka-hoodie.

                      "Why did you tell her?" Madiin ang pagkakabigkas sa bawat salitang tanong ni Thaddeus sa lalaking bakas ang gulat at pagtataka.

                       "Who?" Tanong nitong tila hindi alam ang tinutukoy nya.

                       "You fucking told her that she's my sister!" Mas humigpit ang kapit ni Thaddeus sa kwelyo nito pero nang makita ang gulat na gulat na ekspresyo nito ay hindi na nya alam kung kanino ba sya magagalit.

                        "She knew?" Tanong pa nitong lalong nagpagulo sa isip nya.

                        "Hindi ikaw ang nagsabi sa kanya?" Tanong nyang hindi na alam ang paniniwalaan.

Nabitawan nya ang hawak na damit nito at frustrated na napasabunot sa basang-basa nyang buhok.

                         "So she found out. I know she hired an investitor but I already killed the person she hired" sabi nitong nagpakunot sa noo nya.

                         "She hired an investigato ?. But why?" Tanong nya.

                         "She wants to know the truth behind her Dad's attitude towards her. She's expecting that she's not a real Daughter of Mr. Salazar that's why" sagot nito.

Natahimik sya't tuluyang nawala sa sarili.

                       "Kung ganun hindi lang pala isa ang inutusan nya" rinig nyang sabi ng kaibigang nasa tabi nya. "I'm sorry" paghingi nito ng tawad na hindi na nya gaanong binigyan ng pansin.

He already lose Kimie without even giving him a chance to fight. Papatunayan nya pang hindi sila magkapatid, ipapahanap nya pa ang tunay nyang kapatid but fuck! Why everything got messed up quickly? He's not even prepared for this.

Napapagod syang napaupo sa malamig na sahig. Hindi na nya alam kung paano sya lalaban, kung anong kakapitan at kung saan kukuha ng lakas.

He's too broken knowing that there's a possibility that him and Kimie are sibling but there's another one. Kimie have someone else, akala nya ay si Bryle lang ang kaagaw nya, akala nya sya na talaga ang pinili nito but that man came to took Kimie from him at ni wala syang nagawa para pigilan ito.

Gusto nyang bawiin si Kimie pero paano nya yun gagawin kung una palang ay hindi pala talaga naging kanya ang dalaga?.

She said she love him, she said she'll marry him but she also said that, everything was a lie. Hindi na nya alam kung anong totoo, kung anong paniniwalaan.

Napahawak sya sa dibdib at muling nagpalunod sa sakit. Isa lang ang alam nya, mahal na mahal nya si Kimie at ikamamatay nya pag tuluyan itong nawala sa kanya.

Billionnaire Series#04: CANCEL 100Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon