Cancel#22

3.4K 71 26
                                    

Tama na ang landiang ThaMie HAHAHAHA. STRESS-IN ULIT NATIN SI KIMIE.
~●~

                     "San ka galing?" Nakataas ang kilay na tanong ni Hailey sa kanya nang makauwi sya. Maaga silang nakauwi ni Thaddeus dahil sinabi nyang maaga ang trabaho.

Maaga rin silang nakatulog dahil sa pagod sa paglangoy at pakikipaglaro sa mga kaibigan ni Thaddeus na animo'y mga bata kung kumilos.

                     "Oh hello" bati agad nito nang makita ang lalaking nakasunod sa kanya.

                     "Hi" bati pabalik ni Thaddeus.

                     "So, bati na kayo?" tanong nya sa dalawang sabay pang tumango. Umirap nalang sya't dumiretso sa kwarto nila.

Nang nasa loob na ng kwarto si Kimie ay narinig nya ang tawanan nila Hailey at Thaddeus. Nung una ay pilit nya yung binalewala pero kalaunan ay hindi rin nya natiis.

Sinilip muna nya ang dalawa at kumulo ang dugo nya nang makita si Hailey na yumakap kay Thaddeus with matching kiss pa sa cheeks. Damn! Akala nya ay walang gusto si Hailey kay Thaddeus?.

Sa isiping maaaring may gawin si Hailey kay Thaddeus na ano mang kababalaghan ay bumilis ang pagbihis nya. Paglabas nya ay hinanap agad nya ang dalawa at naabutan nya ang mga itong nagtatawanan habang nagpupunasan ng cheese spread sa mukha. Damn! Eh bakit kaya hindi nalang magpakasal ang dalawa dahil daig pa nito ang nagha-honeymoon sa ka-sweet-an?.

                      "Ayusin ko na ba wedding event?. Kailan kayo ikakasal?" Sarkastikong aniya at inagaw sa dalawa ang cheese spread.

                     "Mmn, okay lang sakin kahit ngayon na kami ikasal. You know, wala namang hahadlang na pamilya sakin atsaka I am all free" sagot ni Hailey na dahilan para magdilim ang paningin nya.

Kaibigan nya ito pero hindi nya nagugustuhan ang sinasabi nito. Hindi naman nito gusto si Thaddeus pero bakit ganito ito sumagot?.

                    "Umayos ka nga Hailey, wala ka namang gusto kay Thaddeus kaya bakit ka nagsasalita ng ganyan?" tanong nya sa kaibigan nyang ngumiti lang sa kanya at agad sumagot.

                   "Who told you I don't?" Patanong na sagot nito.

                    "Thaddeus is handsome and after this past few days I realized that he is a good man and a good future husband. I think I like him and I will love him or I already love him?" dagdag pa ni Hailey. Parang may dumakma sa puso nya't dumudurog nun.

Nagtatanong ang mga mata nyang tinignan si Thaddeus pero nag-iwas lang ito ng tingin. Para syang sinaksak ng paulit - ulit.

                    "You said you love me?" tanong nya kay Thaddeus na may halong panunumbat.

                    "I did but—"

                   "But you said you love Bryle?. You said Thaddeus is not part of a choice? 'Di ba si Bryle ang boyfriend mo?. Kimie, mali ang sumama ka sa ibang lalaki kapag may boyfriend ka. Kung sinong pinili mo dun ka na" nanubig ang mga mata nya sa sinabi ni Hailey. Hindi sya nakailag at bawat salita nito ay tagos sa dibdib nya.

                    "One more and last question, sino ang mahal mo, Si Thaddeus o si Bryle?" Hindi sya nakasagot.

                    "Hailey, why are you doing this to me?" Naluluhang tanong nya pero nginitian lang sya nito pagkatapos ay umakbay kay Thaddeus.

Billionnaire Series#04: CANCEL 100Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon