"Whisky, hold tight" hindi alam ni Kimie kung bakit sya biglang kinabahan nang marinig ang tinuran Thaddeus.
"Don't look back" binabalak pa lang nyang lingunin ang nasa likod nila ay naunahan na sya ni Thaddeus.
"Thad, why?" Kabadong tanong nya't hinigpitan ang kapit sa kasintahan.
"Do you trust me?" Imbes ay tanong nito. Mabilis syang tumango kahit hindi nito nakikita.
"Yes, I trust you" sagot nyang walang pagdadalawang isip.
"Thank you, Whisky. Hold tighter. Don't be scared and ignore what you'll see and hear" tumango ulit sya sa sinabi ni Thaddeus kahit hindi nito nakikita.
Natatakot sya sa kung ano mang nangyayari pero may tiwala sya kay Thad, hindi sya nito pababayaan, alam nya yun.
"This fuckers!" Rinig nyang mura ni Thaddeus kasabay nang mabilis na pag-andar ng motor.
Alam nyang napakabilis niyun dahil ang malakas na hangin ang tumatama sa balat nya. Siguro kung wala syang suot na helmet ay paniguradong mabubura na ang mukha nya sa bilis nang pagpapaandar ni Thad.
Halos tumalon ang puso nya sa kaba nang makarinig nang putok ng baril at hindi lang yun isa o dalawa kundi sunod - sunod. Nararamdaman nya ang bahagyang pagtagilid ng motor na kinalululanan nila na para bang paliko-liko sila habang mabilis na umaandar.
Iminulat nya ang mga matang nakapikit at duon bumungad sa kanya ang side view mirror ng motor na kita ang nasa tatlong motor na humahabol sa kanila't nakasuot ng purong itim. Pinatatamaan sila nito ng baril pero ni isa ay walang tumatama sa kanila ni Thad.
Natatakot sya pero hindi para sa sarili nya kundi para kay Thad. Natatakot sya, baka may kung anong mangyari rito.
"Thad" tawag nya sa kasintahan at lalo syang natakot nang dumako ang isang kamay nito sa kamay nyang nakakapit sa tyan nito habang gamit ang isang kamay na minamaniobra ang motor na mabilis ang takbo.
"Thad! Mag-ingat ka naman!" Naiiyak na saway nya rito pero tumawa pa ito. Really? Sa ganitong sitwasyon? Tumatawa pa ito?.
"Of course, kasama kita kaya magiingat ako" sabi pa nito pero hindi nabawasan ang kaba nya.
Binitawan nito ang kamay nya at ang akalang ibabalik nito ang hawak sa motor ay nagkamali sya dahil may pinindot ito sa gilid ng motor kasabay nun ang paglabas ng isang baril.
Napalunok sya nang hindi lumilingon sa likod na binaril nito ang isang motor siklong humahabol sa kanya. Isang putok lang ng baril ang ginawa nito habang gamit ang isang kamay ay napakabilis nitong pinatatakbo ang motor siklong sinasakyan nilang paliko-liko ang pagtakbo.
Napasigaw sya sa gulat nang isang pagsabok ang narinig nya kasunod ng pagpapaputok ni Thaddeus ng baril.
"Shhh, it's okay" rinig nyang pagpapakalma ni Thaddeus sa kanya na nagpakulo sa dugo nya.
Nagagawa pa sya nitong pakalmahin habang ito mismo ang bumabaliw sa kanya sa kaba at takot pero di maipagkakailang napakahusay nito. Nilingon nya ang nasa likuran at ang nagliliyab na motor sa kalayuan ang nakita nya at ang tatlong motor na humahabol sa kanila ay naging dalawa nalang.
BINABASA MO ANG
Billionnaire Series#04: CANCEL 100
Romance(COMPLETE - ✓) Billionnaire Series#04: Thaddues Montegamo "If loving you means letting go of everything I have then I will!" - "Ikaw ang mahal ko kaya bakit mo ako pinagtutulakan sa kanya? Damn it Dietrys, I love you, only you!" - "Fine then, for n...