Cancel#24

3.4K 78 11
                                    

Nakagat nalang ni Kimie ang ibabang labi nang paggising nya ay bumungad sa kanya ang nagtatawanang sina Thaddeus at Hailey. Ang saya ng mga ito at nasasaktan sya dahil nakikita nyang bagay ang mga ito.

                      "Tsk, kung nagseselos lumapit na rito" napakurap-kurap sya nang biglang magsalita si Hailey.

Tumingin ito sa direksyon nya't nameywang itong tinaasan sya ng kilay.

                     "Ano na?. Kukunin ko talaga itong lalaking ito sayo" sa sinabi nito ay nagmadali syang humakbang patungo sa dalawa pagkatapos ay agad yumakap kay Thaddeus.

                      "May-pa-out-of-choices-out-of-choices ka pa ampucha!" Nag-init ang pisngi nya sa hiya kay Hailey. Totoo kasing sinabi nya yun at pinagsisisihan na nya yun.

                      "Good Morning" rinig nyang bati ni Thaddeus nang halikan sya nito sa noo nya. Ngumiti lang sya't yumakap ulit rito. Saan kaya ito natulog?. Nakatulog kase syang kasama pa itong nakahiga sa kama nya eh.

                       "Sus, final na ba yan?. Hindi na magbabago?. Bryle or Thaddeus?" Tanong ulit ni Hailey kaya binalingan nya ito ng tingin.

                        "Final na talaga, I'm choosing Thaddeus" sagot nyang hindi nya inaasahan ang naging reaksyon nito. Napatalon ito at nagsisisigaw saka sumayaw-sayaw.

                        "WAAHHH! PANALO AKO! SHIP KO LAYAG!" sigaw nitong nagpangiwi sa kanya. Bigla nyang naalala yung nahulog ito sa kama pagkatapos ay nangisay ito. Hindi sya makapaniwalang napatitig sa kaibigan.

                        "Ship mo kaming dalawa ni Thaddeus?" 'di makapaniwalang tanong nya.

                         "Uhumn" tatango-tangong sagot nito. Napatingin sya kay Thaddeus na nagkibit balikat at yumakap sa kanya.

                          "Ibig sabihin nung pinayuhan mo ako tapos tinanong mo ako about kay Bryle at Thad alam mo nang si Thaddeus talaga yung gusto at mahal ko?" Hindi pa rin sya makapaniwalang una pa lang ay alam na ni Hailey ang totoong nararamdaman nya para kila Thaddeus.

                          "Yup, halata naman dzuh!. Pinayuhan na nga kita 'di ba. The love for a person and love for the memories is different?. Ikaw lang itong ang tagal maka-gets" napapairap na sabi nito.

                         "Pero dapat sinabi mo" giit nya pero inirapan ulit sya nito.

                         "Mas better kung ikaw mismo makaka-realize, TANGA NETO!" sabi pa nito.

                         "You don't have to call her, Tanga" nawala ang inis nya nang ipagtanggol sya ni Thaddeus. Mahina syang natawa at hinaplos ang kamay nito.

                         "Ayos lang, ganyan talaga yan. Pag hindi na nya ako tinawag na tanga ibig sabihin nun hindi na nya ako kaibigan" paliwanag nya kay Thaddeus na napakunot noo lang. Malakas syang natawa at pinangigilan ang ilong nito.

                         "I love you" saad nya rito. Nang makitang namula ito at magiiwas sana ng tingin ay hinawakan nya ito sa magkabila nitong pisngi.

                        "Hailey, nagbu-blush sya oh" pang-aasar nya ritong sabay nilang tinawanan ni Hailey. Napanguso ang binata at nagtatampong tumingin sa kanya. Ang Cute-cute naman nito.

Billionnaire Series#04: CANCEL 100Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon