Chapter 45

436 14 0
                                    

GEN'S POV

"AGGH! Fudge!" Tutop ang bibig na tinakbo ko ang salbasyon ko, ang banyo. When I was inside, I slumped to the floor and hugged the ceramic bowl for dear life.

"Ayoko nang uminom. L-last na 'yong kagabi."

Tulalang napatitig ako sa dingding. I can't remember how the hell I made it home. My hazy brain only offers fragments of what happened last night. I vaguely remember when I shamelessly went on stage at an upscale bar we randomly chose. Shuta. Kinanta ko ang 'I WIILL SURVIVE' with matching sayaw pa.

One of the crowd was Prince Lachlan, who was foolishly grinning and cheering along with the oblivious audience. We were like two misfits teenagers who were trying to escape from everything or life in general.

When fleeing was easier than facing the horrible truth. Mas lalong pumait ang lalamunan ko dahil sa naalala. Ipinilig ko ang ulo para lang mapaungol dahil lumala ang pagkahilo ko.

I sighed, pulled my knees up, and hugged it. Ipinatong ko ang baba sa tuhod at inisip kung may ginawa pa ba kong nakakahiya bukod sa paggiging sintunado ko?

Shit! I drove an effin' Ferrari.

I grinned only to grimace after a few seconds when my stomach churned. Damn hangover! Mahigpit kong niyakap ulit ang inidiro't ilang beses na tumawag ng uwak. After my stomach calms down, I gingerly walked toward the sink and washed my face.

Nanlaki ang mga mata ko nang mapatingin sa salamin. Putsa, sino 'to? Parang pugad ng ibon ang buhok ko, namumula ang mga mata't tila ako lasing na panda na nakasuot nang maluwag na pjs.

Puta this, Gen. Nagiging lasenggera ka na!

Hinatak ko ang brush at inis na sinuklay ang buhok. Hindi ako pwedeng bumaba na ganito ang ayos, mag huhurumentado ang magulang ko. Weekend ngayon at nakagawian na ng mama ang pumasok ng tanghali sa café.

Bigla akong natigilan nang may sumaging isang malabong ala-ala sa bangag kong utak. I swear I saw Liam's furious face across the stage last night. Totoo ba 'yun or it's just a product of my fool mad heart partnered with alcohol.

I shook my head. No, impossible. Dinadaya lang ako ng isip ko. Biglang kumalam ang tiyan ko so I decided to finish my poor attempt to be human and went downstairs.

"Hello, Ate Ading," bati ko sa nakatalikod at pasayaw- sayaw na kasambahay.

Hindi ito natinag kaya kinalabit ko siya ulit.

"Ay kabayong naka brace!"

Mahina akong natawa't sinilip ang kawali kung saan naroon ang hinahalo nitong kanin.

"Gen naman! Ginulat mo ko!"

"Hmm...yummy! Sorry, " Nakangising saad ko't kumuha ng tasa. I opened one of the cabinets and smiled when I saw the medicine that my mother tucked inside. "There you go," bulong ko nang makita ang Biogesic.

My head is killing me and I know based on experience that coffee and a tablet of paracetamol will keep it a bay.

"Maupo ka na't matatapos na 'ko rito."

Tumango ako't inabot ang coffee pot saka marahang sinalinan ng umuusok na kape ang tasa.

"Si Mama?"

"Nasa taas lang may inaayos."

I glanced at Ate Ading and contemplated if I'm going to ask her the question that's been bugging me. Walking toward the table with my coffee in my right hand, I decided that it was in my best interest to delay the inevitable. Who knows, baka naman 'di aware ang parents ko na nag walwal ako last night.

Reign Of The Hearts  (Reino De Filipinas 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon