Chapter 28

705 55 39
                                    

    GEN'S POV

    The cold morning caressed my face, sweat trickled the back of my nape. Both of my lungs were burning but I revel on it. After wiping off the sweat on my temple, I turned left. Ipinangpasalamat kong iilan lang pa lang ang tao sa maluwag na parke. It's a fine Saturday morning, maya-maya lang alam kong darami na rin ang tulad kong nagbabawas ng carbs sa katawan.

    Last night, after kong maka uwi mula sa palasyo, isang katerbang pagkain ang inihain sa 'kin ng mama ko. Dahil isa akong ulirang anak at may pagka pg, nilantakan kong lahat iyon. After kong maubos ang isang mangkok ng sinigang at isang plato ng kanin, nagsisi ako. Kaya heto, 'di pa putok ang araw nasa labas na ako't paikot-ikot, pawisan.

    Sinamantala ko rin, tuwing weekend lang ako may time na tumakbo dahil buong week days nasa loob ako ng palasyo. Hindi ko naiwasang maisip si Liam pagsagi ng palasyo sa utak ko. Kumusta na kaya iyon? Matapos kasi naming mag lunch, naging abala na ito sa inner palace. Dumating na kasi ang abuelo nito mula sa mahabang bakasyon. Hanggang maka uwi ako ng bahay namin, 'di ko nakita o narinig ang boses nito.

    Though he texted me last night, saying he missed me. He also reprimanded me for escaping V. I told him for the nth time that I'm an independent woman who can take care of myself who misses her beau so much.

    Gising na kaya siya?

    Napangiti ako. Later, I'll send him a text or if nasa mood ako a selfe. With that, I cointinue my morning run. Ilang saglit pa, hindi ko namalayang napalayo na pala ako sa gitna ng parke. Nagpalinga-linga ako sa paligid kong halos matakpan ng mayayabong at nagtataasang punong kahoy. Suddenly, goosebumps broke into my skin.

    I don't know but I suddenly remembered all the NCIS and Criminal Minds episodes I've binge watched. Hindi ba't sa mga ganitong locations dinudukot ng mga stalker ang walang kamalay-malay nilang biktima? Shakingmy head, muli akong tumakbo. Marami lang siguro akong napanood na mga crime documents kagabi kaya nagkaka ganito ako.

    Subalit nang makarinig ako ng papalapit na yabag sa likuran ko, I know that my gut is right. Someone's following me.

    Shit.

    Mas binilisan ko ang takbo ko, I need to go to the crowded part. Pero bago ko pa marating ang pinaka dulo ng daan, may malabakal na braso ang sumunggab sa 'kin. Panic hits me, my survival mode was switched on. Siniko ko ang sinumang herodes na nasa likuran ko't mabilis kong hinawakan ang braso niya. I turn around, raise my right knee and made sure that it landed to the part where the sun doesn't shine, his groin.

    Nabitawan ako nito't parang nauupos na kandilang namilipit sa harapan ko. Sapo ang unahan nito. Proud na sinipat ko ang lalake.

    "Serves you right. Sa presinto ka magpaliwanag," ismid ko't akmang kukunin ang cellphone sa loob ng suot fanny pack.

    "Fuck. B-basag na yata ang kinabukasan ng Reino, Genessia."

    "Oh my, God! Liam. I am sorry."

    Lumuhod ako sa harapan ng nobyo't aligagang hinawakan ang braso nito.

    "W-what have I done? I'm so sorry, Liam."

    "D-damn. Narinig kong nag-crack," nag angat ito ng mukha't mas nabistahan ko ang pamumula niyon marahil dahil sa pagpipigil na murahin ako. Hindi ko ito nakilala. He's wearing a black hoodie and red baseball cap was covering half of his face.

    "Kamahalan, sorry na," I apologized while giving him a back rub.

    Liam winced but still managed to put on a smile, "Who taught you to kick like that? 'Di ko alam if matutuwa ako o ipapakulong ko. Balak kitang i-surprise. Pero ako ang nasurpresa mo. Mapuptol na yata ang royal blood line sa akin."

Reign Of The Hearts  (Reino De Filipinas 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon