Chapter 35

543 38 19
                                    

GEN'S POV

MAY PAGMAMADALI sa bawat hakbang ko ng puntahan ang silid kung saan nakalagak pansamantala ang mga paintings at artifacts na donasyon ng Crown para sa charity gala.

I sigh. Sinipat ko ang wrist watch. Isang oras na lang at magsisimula na 'yon. Kailangang matapos ko ang pag do-double check ng mga paintings at kung tama ba sa bidding price ang mga ito. It's not part of my task today but we're short of leg work today so I volunteered.

"Gen, pagkatapos mo d'yan pwede ka bang tumulong dito sa committee table? We need extra hand," boses iyon ni Donna mula sa two way radio na hawak ko.

"Okay. Copy."

Lakad-takbo ang ginawa ko matapos i-off ang radyo. Malayo ang storage room sa malaking ballroom na pag dadausan ng event at madami pa kaming kailangang asikasuhin bago dumating ang mga VIP, the Royals. Again,I glanced at my watch, kung bibilisan ko kaya kong tapusin ang pag ka-catalog ng may labing-limang minuto at mga sampu naman siguro sa pagtulong sa preparations. That gives me half an hour to rest and retouch my makeup before Liam arrives for the red carpet.

I have to be there. He wants me to be there at the front waiting for him when he arrives. Sino ako para humindi sa kanya?

Ilang saglit pa'y abala na ko sa pag sipat sa mga nag gagandahan paintings, vases at jewelries na ibinigay ng Royal Family para sa charity na tumutulong sa mga cancer patients. The office of the Crown Prince was a known benefactor of the Filipinas Cancer Society, yearly there's a large sum of money that goes with the charity. But this year was different because all of the Royal Princes will be attending the event and that made everyone giddily exurberant. Kasama na ako.

"Saan na ba 'yon? Bakit ba ngayon ko pa 'di makita kung kailan nag mamadali ako? Kainis."

Inikot ko ang paningin sa loob ng silid para hanapin ang isa sa mga vase na nakalista sa hawak kong papel, iyon na lang ang hindi ko pa na che-check. Nakakapagtakang 'di ko makita iyon dahil maliit lang naman ang storage room at di lalagpas sa limampu ang mga items na nasa loob. Posible kayang namalikmata lang ang checker kanina at nailagay lang sa hawak kong note na dumating ang vase pero maaaring nasa palacio talaga iyon at naiwan? Ipinilig ko ang ulo at ipinagpatuloy ang pag hahanap sa naturang vase.

"There you are," I smiled when I saw it on the corner. I was shocked to find out that it was still inside a small crate. I supposed that the checker totally missed this vase.

Marahan kong binuhat iyon at ipinatong sa isang mahabang lamesa katabi ang ilang mga vases na idi-display mamaya for the silent auction. I was carefully inspecting the tag when something caught my attention. Bigla akong kinabahan nang makitang isa iyong plain red enevelope na katulad ng nakita ko kamakailan sa ibabaw ng office table ko.

"This is weird," bulong ko habang minamasdang maigi ang hawak na sobre. Yari iyon sa makapal na papel at walang kahit anong nakasulat sa labas niyon. I know I should call one of the Secret service guys and hand them the envelope but curiosity got me, so I opened it.

Mas lalong nangunit ang noo ko ng makita ang naka type doon, isang pangungusap lang 'yon and it doesn't make sense just like last time. The words 'Drawing The Elk' was on it and nothing more.

"Gen, done here?"

"Ha?!" nagulat ako ng malingunan si V, nakatayo ito may pinto at mukhang kanina pa ito base na din sa pagkakakunot ng noo nito.

"S-sorry V. Patapos na ko," mabilis kong tinupi ang hawak na papel at isinilid iyon sa bulsa ng suit pants na suot ko.

"Ano 'yan?"

Reign Of The Hearts  (Reino De Filipinas 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon