Chapter 15

905 130 14
                                    

GEN'S POV

"THE CAR will be waiting for you at the East Wing. Be there in 30," tinig ni V sa kabilang line.

There's no preamble or whatsoever. I doubt if V ever know the word hello. Ibubuka ko pa lang ang bibig ko nawala na ito.

Nagpakawala 'ko nang malalim na buntong-hininga saka isinilid sa bag ang cellphone. I've been working for the crown prince for two weeks dapat sanay na 'ko rito at kay Jaques pero mukhang matagal pa mangyayari 'yon.

Kinuha ko ang suit case at ang aking Givenchy Nightingle inspired bag, salamat sa Divi at sa namana 'kong talent kay mama sa pagtawad, I looked expensive. Nang masiguradong wala na 'kong naiwan ay lumabas na ko para magtungo sa East Wing.

Ngayon ang alis namin papuntang Catbalogan Samar para royal state visit ng crown prince sa Visayas. Kasabay noon, ang paghatid ni Kamahalan sa dalawang pasaway na prinsipe sa probinsiya.

After the scandal, the King instructed Prince Liam to discipline the two.  Kaya heto kami ngayon, leaving on a jet plane ang peg.

Royalty or not, walang sinasanto ang hari at si Prince Liam, all wrong deeds are to be punished accordingly. Both Prince Lazlo and Prince Lachlan were to stay at the said province for a whole month, doing volunteer works in different organizations especially the State University of Catbalogan.

Naabutan ko sa parking si V at ang black Lincoln Navigator, isa sa mga service car ng Royal Family.Tinulungan ako nitong ilagay ang gamit ko sa likod at umalis na kami papunta sa private airport ng Royal Family. Thirty minutes after, nasa parking lot na kami ng pribadong airport nila Kamahalan.

"Gen, take this with you.Naiwan ni V," ani CJ sabay abot sa akin ng isang 'di kalakihang paper bag.

Kumunot ang noo ko habang sinisilip ang lamang ng paper bag.

"Kasama yan sa mga gift ng Crown Prince sa mga Enciñas," dadag nito bago tumalikod.

Bitbit ang mga bags, I decided to get a coffee first while V and the other guys do their thing. I heard them talking about a security sweep or whatever the hell it is.

I decided to get a coffee on one of the vendo machines scattered around the hangar.Habang hinihintay na mapuno ang cup, ni-review ko muli ang schedule ni Prince Liam for the next four days, sakto namang tumunog ang cellphone ko.

Agad kong kinuha iyon, inipit sa kanang tenga ko habang ang mga kamay ko'y busy sa pag-scroll ng iPad. Multi tasking at it's finest, I know. Every ladies can relate.

"Hello," bati ko. 'Di na ko nag abalang i-check kung sino ang tumawag.

"Genessia." Husky voice greeted me on the other line.

Natigilan ako ng mga 1010 milliseconds bago nag start na tumalon-talon ang puso kong baliw na baliw kay Kamahalan. Lord, akala ko po na kay Jollibee ang saya, na kay Prince Liam pala.

"Genessia, are you there?"

"G-good morning, Your Highness," hindi ako magkandugaga sa pagbati rito. Nag- bow pa ko kahit wala naman ito sa harapan ko.

Napa ungol ito.  And it took every control I have para 'di ko iyon suklian nang isang nakabibinging tili. Bakit? It's sexy as hell!

"You bowed, didn't you?" It's more of a statement than a question.

Nagulat ako kung paano niya nalaman ang bagay na 'yon. May access ba siya sa CCTV dito sa airport? Nilingon ko tuloy ang paligid ko.

"Agh, never mind. Where are you?"

Reign Of The Hearts  (Reino De Filipinas 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon