Chapter 47

414 13 8
                                    

GEN'S POV

"BAKLA!"

"Hey! Eardrums ko naman," nakangiwing inilayo ang cellphone sa tainga. I rolled my eyes. Kahit kailan talaga may pagka eskadalosa 'tong si Donna.

"Sorry. Na-excite lang. How are you holding up?"

I puff some air. "Kung sasabihin kong okay lang ako hindi ba parang napaka walang kwenta ko namang kaibigan?"

Donna chuckled softly while I stare blankly at my bare feet. Matapos ang masinsinang pag uusap namin ng prinsipe, nag paalam akong mag papahinga sa room na in-assign sa 'kin ni Liam. I decided to check what's happening on the palace grounds, so I called Donna. Liam let me used his phone since mine was being held hostage by the bossy crown prince.

"Pwede ba? Stop giving me that BS. I'm happy that you and Kamahalan's okay now."

"Thanks, bakla. Kayo kumusta d'yan? Gingisa ka ba?" Kagat ang kukong tanong ko. Puno ng pangamba ang dibdib ko.

Gosh, how will my colleagues react to this? For sure, they'll hate me and rumors will spread like wildfire among the offices. Yari ako.

Donna sighed from the other line and my eyes automatically shut close.

"Una, they asked me kung may selfie ba ko with Prince Lachlan. The F di ba? Kaysa tanungin nila kung ayos ka lang, mas inuna pa nilang tanungin ako ng kung anu-ano. People, asar."

"Hey, kalma. I didn't expect everyone to be concerned about me. Hayaan mo na."

I tried my best to placate my best friend. Admittedly, medyo napanatag ako nang kaunti sa narinig.

"Hmp! Nakakainis pa rin. Nang nalaman ko na hinarass ka ng press kaninang tanghali naku nag init talaga bumbunan ko," galit pa ring ani to sa at nakikinita-kinita ko nang palakad-lakad ito.

"Okay lang. Medyo traumatic pero dumating naman si V at si Liam."

Donna hummed, followed by an awkward silence.

"So. Bakla...'yong reason kung ba't kayo nag-LQ ng mahal na prinsipe—"

"Need to know basis, bakla," I cut Donna off. The things that Liam shared with me need to stay between the two of us.

"Okay. Sabi ko nga. Sorry naman. By the way, alam mo bang inside job ang nangyaring pang ha-hack sa palasyo?"

"What?"

"Yes. Narinig ko mismo kina Jaques kanina. O mas tamang sabihing 'di ko sadyang narinig."

Bigla akong nanghina sa narinig. Dagdag alalahanin na naman ito kay Kamahalan. Hindi na ba matatapos ang problema n'ya?

"So far wala naman raw na-compromise na data.Kung mayroon man, kaunti lang. Hay. They're still hunting for the culrpit."

"Oh!" Tanging nasabi ko.

"By the way sabi mo may importante kang ipapa asikaso. Ano ba 'yon?"

Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan. Lalo na't nasabi ni Donna ang tungkol sa cyber security breached. But then siguro naman 'di connected ang case ko roon. I sigh. Bahala na.

"Ganito kasi. May na-receive akong email kanina doon sa personal email add ko. When I opened it, it's telling me that I received a hefty amount. I don't know kung saang lupalop ba galing 'yon. Can you please ask the guys sa tech department kung legit ba iyong email or what."

"Okay. How much are we talking about here?"

Kagat ang labing nahilot ko ang sentido saka marahang sinabi kay Donna ang amount.

Reign Of The Hearts  (Reino De Filipinas 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon