Chapter 5

710 13 0
                                    

GEN

"GEN!"

Kasalukuyan akong nasa kwarto ko't naglilinis ng marinig ko ang boses na iyon ni Mama. Lumabas ako't bumaba sa sala ng bahay namin.

"Ma 'yong boses mo." Saway ko.

'Di ako pinansin ng ina, parang bata 'tong patalon-talon at niyakap pa ako.

"Gen, congrats! Tanggap ka na sa palasyo," masayang sabi niya sa 'kin at ipinakita ang papel na kanina pa hawak.

"Oh my God!" Kinuha ko kay Mama ang sobre at binasa iyon. Puno ng kaba ang dibdib ko habang pinapsadahan ng mga mata ng nakasulat sa papel.

The words were screaming at me. I am officially hired as Royal Aide. I jumped in so much glee while my parents were staring at me with big smiles on their faces.

Gosh. Who would have thought na after ng kagagahan ko'y mahahawakan ko ang pinakamimithi kong appointment letter? I did it! After a week of agony, here it is.

"Congratulations, anak," ani Papa saka 'ko niyakap.

"Thanks, Pa. I need to call Donna."

Nagmamadali akong bumalik sa kwarto ko para kunin ang phone ko. Hindi ko pa nada-dial ang number ni Bakla'y tumunog na ang phone ko.

"I'm in."

"OMG, Bakla! Ako rin," abot taingang sagot ko.

Kahit 'di ko siya kaharap, alam kong 'di rin mawala ang ngiti sa labi ng kaibigan dahil sa balita. Matagal ng pangarap naming pangarap ni Donna ang makapagtrabaho sa palasyo.

"Shocks, I'm extremely happy and excited."

"Me too. Ang lakas natin kay G."

"Sabi sa'yo eh. Makukuha tayo lalo ka na. Ang lakas kaya ng kapit mo sa palasyo, duh."

I let out an exasperated sigh. Here we go again, naisaloob-loob ko.

"Dons, let's stop that outrageous dream of yours, puwede? Una, madilim noong nangyari ang mukbang na tinutukoy mo. Pangalawa, he's just sporting that smile 'cause I am a clown. Literal na engot. So no. I am not buying your idea, bakla."

May pait akong na-feel sa dibdib habang sinasabi ang mga 'yon. Nagpapaka totoo lang naman ako.

"But Gen–"

"Kung may isang bagay ang tumatak sa isip n'ya, that's me being clumsy. Twice. First, that coffee accident then my recent stupid final interview. That's it, okay?"

"Christ. Ang nega mo. Bahala ka kung anong gusto mong isipin, ganoon din ako. Basta masaya tayo now dahil dito sa news. Ayos na ko roon."

"That I can accept," nakangiting umupo ako sa dulo ng kama. "Kailan mo pala balak mag pack?"

"Later after kong ibalita rito sa bahay na lalayas na ang panganay nila," may bahid ng lungkot na ani to. "O siya, tinatawag kasi ako ni Liezel. Talk to you later."

The line went dead.

Nakangting tiningnan ko ang letter of appointment na hawak ko at binasa iyon. May pitong araw pa 'ko bago pormal na mag simula bilang Royal Aide.

Sa Communications and Information kami pareho ni Donna na-assign, related kasi sa course at dati kong trabaho ang departamenong iyon. I will be handling content and social media accounts for the Royal Family.

Ngayon pa lang ay super excited na ko pero di ko maiwasang di malungkot, working for the Royals means I will be away from home. It's one of the conditions on the contract.

Reign Of The Hearts  (Reino De Filipinas 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon