Chapter 34

554 43 4
                                    

GEN'S POV

"HELLO, gorgeous! Morning."

"Hello yourself, pretty boy. Morning. How are you?" matching Ken's enthusiasm, I greeted him back.

I was at the line waiting for my turn when I saw him walked inside the busiest area on the palace grounds, the coffee shop. Halos isang oras pa kasi bago magsimula ang trabaho namin kaya napag desisyunan kong bumili muna ng kape. I have a long day ahead. Ilang araw na din kaming abala sa kaliwa't kanang meetings ni Liam, idagdag pa ang upcoming gala na inaasikaso namin. Sa sobrang abala ko nga wala na akong time para i-check ang balita.

Tatlong araw ko nang hindi masyadong nakaka usap nang matino ang nobyo. After his meetings, didiretso ito sa inner palace para kausapin ang abuelo. Tanging eksplenasyon lang nito'y may importanteng inaayos.

I'm not complaining 'cause he'll always find time to text or call me in his free time.

"Busy pero cute pa din daw," Ken flashed me his boy next door smile.

Gumanti ako ng ngito dito.

"Looks like you caught some sun this weekend," puna nito habang titig na titig sa mukha ko.

"That obvious?" Naiilang na hinawakan ko ang pisngi. Isang linggo na rin ang nakakalipas magmula nang mag Zambales kami pero mukhang 'di pa bumabalik ang dati kong kulay.

"Kinda but it looks good on you, Gen. Lalo kang gumanda."

"Geez, Ken. Thanks," kiming ani ko sabay usog sa pila.

"Just telling the truth. By the way, are you free later Gen? Lunch?" Ken asked while staring at me intently.

Napapitik ako ng mga daliri.

"The rain check. OMG! Sorry. Nawala sa isip ko. Super loaded kasi sa office ng crown prince ngayon."

Ngumiti ito't muling inulit ang tanong. Alanganin akong ngumiti. Nagtatalo ang isip ko kung tatanggihan ko ba ulit siya o tatanggapin ang alok niyang lunch later.Ilang beses na kasi itong nag aya, parati kong tinatanggihan.

"Maddie and the gang will be there. You can bring Donna if she's free."

I sighed. Wala naman sigurog masama if mag-lunch ako with them besides Liam will be at the Grand palace to have lunch with the Royal Family later.

"Okay. Pero sa malapit lang sana since the crown prince will have an engagement and meeting this afternoon," walking towards the waiting café staff, I told him.

"Thanks, Gen. Don't worry it's a 6-minute drive from the palace."

Tumango ako sa kanya't ibinaling na ang atensyon ko sa cashier, ibinigay ko ang order.

"Let me. Here," mabilis na inabot ni Ken ang card sa cashier na lubhang ikinagulat ko.

"Ken ako na," giit ko sabay abaot ng pera sa kaherang 'di malaman kung paano ngingiti.

"No. I insist, Gen. Ako na. Miss, paki-punch na kasama ng order ko," 'di nito pinansin ang pagpupumilit ko at nginitian ang babaeng hatalang agad na kinilig sa binata.

"Thanks."

"No prob," he just shrugged and motioned me to the claiming area. "After you."

Pumapalatak na nagpatiuna ako. Ilang beses na itong nagpalipad hangin sa akin, maging ang mga kakilala nami'y tinutukso na rin ako sa binata. Nais ko mang sabihin na 'di an ako available, 'di pa pwede. Una, paano ko sasagutin ang sangkaterba nilang tanong about my boyfriend?

Reign Of The Hearts  (Reino De Filipinas 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon