Chapter 25

823 109 57
                                    

GEN'S POV

"I HAVE NEVER been jealous. Why should I be?"

    Bakit parang may biglang kumurot sa puso ko? Ang sakit. Ano bang inaasahan kong isagot niya? Wala naman siyang girlfriend as of the moment, wala ring nililigawan.

    Eh ako? Baliw na sawata ng haliparot kong sarili. Paano iyong mga nangyari sa amin sa Cebu at Catbalogan. Okay, Cebu is understandable but the one in Catbalogan. Gosh, it holds a special place into my heart. Sa narinig ko ngayon, tama nga si Donna. Hopia lang ako.

    And for cying out loud, why send those mix signals like he care when I hurt my knees or when I get myself wasted. Ang chocolates para saan ang mga iyon? Hanep. Ang mahal naman niyang ma-bored, pati puso ko naitaya.

    Jesus. How foolish of me to think that there's a deeper meaning behind his actions.

    Kuyom ang mga kamaong tumitig ako sa screen, ready to flight then I heard his voice. Soft, crooning and a hint of edge on it.

    "I don't get jealous really. There's a gray line between jealousy and envious, that's why I considered it as politically incorrect. Thus my prior answer."

    I heaved a sigh. Parang dahan-dahang gumaan ang bagay na nakadagan sa dibdib ko dahil sa sinabi niya.Iyong kirot na naramdaman ko kanina ay unti-unting kumalma. Napapalitan na naman ng pag-asa. Palitan ko na rin kaya ang word na marupok sa diksyunaryo? Damn, Gen! Naiinis na ako sa sarili dahil sa karupukan at kagagahan ko. May award bang matatanggap ang gaya ko o may contest ba na pwedeng salihan? Kung meron, magpapasa na ko ng application. Sure win ako doon.

    "You good?" Donna pried and I nod, my gaze was on the stage.

    "So what's the acceptable term then, Your Highness?" taas kilay na tanong ni Prince Yñaki. He's wearing that smug smile on his face.

    "Emotionally impaired, prolly. I don't know," Prince Liam answered with a blasé expression.

    Natawa kami sa sagot niya. Halata kasing pikon na pikon ito sa ginagawang pang aalaska ni Prince Yñaki. Bigla, nagtama ang tingin naming dalawa. Talo ko pa ang nakainom ng tatlong baldeng kape ng mag palpitate ang puso ko dahil sa tingin ni Kamahalan. Matiim iyon pero naroon ang tinatagong pagsuyo. Holy!

    Nang matipid itong ngumiti, sumabog na sa sahig ang katinuan ko. Shit. What's my name again?

    "Thank you for that, Your Highness. We have our next question here from @binibininglaica. Can you give us your favorite place and food," si Tito Vhoy at tumingin sa third prince.

    "My preference is wide. So, anywhere and anything would be fine with me. 'Di naman ako pihikan. I'm very easy to please," Prince Yñaki said.

    "That's great to hear, Your Highness. How about you Prince Liam?"

    "Place?" Humawak ito sa baba na tila na- iisip. "Hmm...madami but I think Cebu's the best. They have the best street party and ahm..alleyways," bahagyang lumamlam ang mga mata nito nang banggitin ang huling salita.

    Napasalmapak ako ng upo sa malapit na silya nang wala sa oras. Hindi na keri ng buong pagkatao ko ang nararamdaman sa mga oras na 'yon. Parang tumalon ang puso ko't napunta iyon sa lalamunan, nakakabingi din ang sobrang bilis na pag pintig non. Nanlalamig ang buong katawan ko, both of my palms are sweaty now.

    "Mukhang may significance sa inyo ang Cebu at alleyways, Your Highness," makahulugang sabi ni Tito Vhoy na nagpatuwid ng likuran ko.

    Ngiti lang ang isinagot ni Prince Liam roon, 'di ito nag abalang magbigay ng komento sa sinabi ng host.

Reign Of The Hearts  (Reino De Filipinas 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon