Chapter 4

1.4K 227 94
                                    

GEN'S POV

Butil-butil ang pawis at bahagyang nanginginig ang mga kamay kong may hawak na tasa ng mainit na latte. I let out a sigh and carefully placed my drink on the table. For the fifth time, eyed the clock on the wall. Maybe, malapit na siya.

Grabbing my phone, I searched for Donna's number. Ngunit bago ko pa mapindot ang call button, may bigla ng humbalot sa cellphone ko.

"Shuta ka!"

"Oops. Sorry, bakla. Naipit sa traffic."

I rolled my eyes dramatically when her lips landed on my right cheek and squeezed me in a tight embrace.

"Wait. Did you order our drink?" She inquired pertaining to our fave Starbucks coffee drink.

"Nope. It's freaking long. Sabi ko sa'yo i-text mo sa 'kin kanina."

"Fine. Ako na'ng bibili. Hindi kita maintindihan. Magaling ka sa memorization pero 'di mo makabisado 'yung barista drink?" Himutok niya sabay layas.

On a normal day, I would tell her na ang dami kasing add ons ng fave drink naming dalawa. But I'm far from normal today. Heto nga't pinagpapawisan ako kahit pa gumagana naman ang aircon sa loob ng sikat na kapehang kinaroroonan namin.

I heaved a sigh. Hanggang ngayon nanginginig pa rin ako kahit two days na ang nakakalipas mula ng magkita kami ng crown prince.

"Hoy! Shuta ka. Anong tinira mo? Katol?" Malakas na tinapik ni  Donna ang braso ko.

Hindi ko namalayang nakabalik na pala siya't may dalang tray na naglalaman ng kape't isang slice ng cheesecake.

"Eww. Of course not," lalo akong sumimangot.

"What's with the long face?"

Now I got her attention. Agad itong naupo sa tapat ko't parang sira na pinakatitigan ako.

"Spill. Anong nangyari?"

Nakayukong nilaro ko ang straw ng inumin ko. Pangalwang baso ko na 'to but who cares? Hindi ko need ng kape para kabahan. Maisip ko lang ang kakaharapin ko para na kong mamamatay sa palpitation.

"I bumped into him!"

"Him? Who the F is him?"

"Him." Diin ko. Simpleng inikot ang mga mata sa paligid. Ba't ang slow nito ngayon?

"Si Kamahalan."

"No way."

"Yes way."

"You're fuck!" She blurted out.

"Damn. I am."

Donna chuckled. She shook her head in disbelief. Umayos ito ng upo't mataman akong tinitigan. She means business so I ready myself for a long and grueling explanation slash chismisan.

"Deets, please."

Huminga 'ko nang malalim at inisa-isa ang mga nangyari noong nakaraang araw sa opisina. Wala akong iniwang detalye kahit ang ginawang pang de-deadma sa 'kin ng mahal na prinsipe.

"Gosh. Shuta, wait. As in wala siyang sinabi?"

I shook my head. A wave of disappointment rushed through me. After I made a fool of myself that day, katakot-takot na 'I'm sorry, Your Royal Highness' ang nasabi ko sa harap nito at ng big boss ko. I was even compelled to get on my knees but stopped when I heard his cold response.

"A simple one liner. Go," may lungkot na 'di ko mawaring saad.

"Shit. That's it? Cold and straight-face?"

Reign Of The Hearts  (Reino De Filipinas 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon