Chapter 6

1.2K 215 64
                                    

GEN'S POV

LIFE IS FULL OF RULES.

Absolute truth and though at times we tend to think otherwise, since it put limits on how we see and do things– life in general, still, we are surrounded by them. Katulad na lang ng kung paano ako putaktihin ng sangdamakmak na alituntunin ng palasyo. 

I sigh dramatically, straightened my back as I ready my ears for the lengthy speech of do's and don'ts.

"Listen very carefully and I want you to remember the 3 general rules here inside the palace," tinig iyon ni Maam Val ang Head ng Social Media Department isa sa apat na departamentong under ng Communications and Infromation, ang boss namin ni Donna.

"First, discretion is paramount. All things that are related to the palace will remain inside these walls," seryoso ang tinig ni Maam Val at marahan kaming pinasadahan ng tingin. Nakaka intimidate siya. Parang makikita niya ang pinakatatagong sekreto mo kapag tumitig s'ya sa mga mata mo.

Today is our orientation pero bakit parang feeling ko mag a-under go kami ng hazing. Ang stiff ng mga head na nag o-orient sa 'min sa isa sa mga auditoriums ng palasyo. They all have stern look on their faces that gives me the creep.

Kanina pa kami narito, may isang oras na rin siguro. At base sa narinig ko wala pa raw kami sa half ng orientation. I mentally scream boring. Namamanhid na ang pang upo ko't naka ilang hikab na rin ako kaya siguro panay ang unggot ni Donna sa 'kin na saglit kaming pumuslit at kumuha ng kape.

Gustuhin ko man siyang pagbigayan, hindi kaya. Paano kami lalayas kung sa mismong unahan kami naka pwesto, 'di ba?

"Second, follow every rule that is written on your handbook and you'll be fine. You have the right tools, it's up to you to prove to His Majesty that you have every right to be here," dugtong ni Sir Mak.

Saglit kong niyuko ang hawak na program para itago ang hikab ko. Hindi ako masyadong nakatulog last night gawa na rin ng pinaghalong excitement at lungkot lalo na nang sumagi sa isip ko ang mga magulang.

Pero mabilis ko ring pinalis iyon, ganoon talaga ang buhay. We are force to make some sacrifices to achieve that elusive dream we have.

"Last, always go back to rule number 1 if all else fails."

"Sa dami ng kailangang i-memorize, bakla. Iyong number one na lang ang tandaan natin," bulong ng baliw kong kaibigan na ikinahagikhik ko.

"Gaga ka talaga kahit kailan," umayos ako nang upo.

"Totoo naman kasi. Ano kape na ba tayo?"

"No can do. Look at that," itinuro ko ang dalawang host na ngayon ay nasa itaas na ng stage at masayang nagbabalita tungkol sa next part ng program.

"Hay naku. Lingon na lang tayo sa back para mabuhayan ng dugo. May mga nakita akong pogi kanina. Check mo."

Pasimple akong lumingon at nakita ang grupo ng mga naka suit and tie, ilang hanay ang layo mula sa kinauupuan naming dalawa. Busy ang grupo sa pagtatawanan, walang kamalay-malay na pinagpipyestahan na namin sila ng matalik kong kaibigan. Been dissecting every fine detail they have under our bitch microscope.

"Dibs ako sa naka dark blue tie. How about you?"

Gwapo naman ang guy, piping sang ayon ko sa utak. Clean cut at mukhang pilyo lalo pa nang lumabas ang dimple nito sa kaliwang pisngi. But not my type.

"Pass."

"Wow! I'll bet my first paycheck, nasa inner palace ang bet mo."

"Shut up, Dons," inis na saway ko dito.

Reign Of The Hearts  (Reino De Filipinas 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon