Chapter 16

844 123 23
                                    

GEN'S POV

SALTY. Iyon ang unang salitang pumasok sa isip ko nang salubungin ako ng ihip ng hangin ng probinsiya ng Catbalogan. Kipkip ang shoulder bag, mabilis akong sumunod kina V sa pagbaba ng eroplano. We landed at the small airport of Buri at exactly eleven in the morning, ten minutes early from the crown princes call time. But as expected, halos 'di mahulugang karayom ang buong paligid.

"Buong populasyon ba nitong probinsiya andito ngayon?" Bulong ko kay V na ngayon ay kahilera ko sa pila sa paanan ng eroplano.  As usual umungot lang ang loko.

Umayos ako ng tayo at pilit na inignora ang kamay kong gustong lumipad sa magkabila kong tainga. We're waiting for Prince Liam to step down from the plane. Sa likod namin ang nakakabinging tilian ng mga tao, salitan ang mga ito sa pagsigaw sa pangalan ng dalawang prinsipe. May mga naispatan pa kong may mga dalang tarpulins at placards.

Gusto kong tanungin kong kumusta ang mga vocal chords nila pero biglang lumitaw si Kamahalan sa pinto ng eroplano kaya lalong nagtilian ang mga ito.

"Gen?"

"Oh. Sorry, Jaques. Nagulat ako," hinging paumanhin ko sa second in command ni Kamahalan sabay simpleng nagnakaw ng sulyap sa gawi ng prinsipe.

Busy ito sa pagkaway at pagtanggap ng pagbati ng mga taga munisiplyo. He's in auto pilot mode. Shaking hands, waving at the eager crowd and posing for the press. Hindi naman kami magkamayaw nila Brix sa pagtanggap ng mga bulaklak at kung anu-ano pang offerings mula sa mga naghihintay na tao.

"Ahm...Nay, ano ho kasi SOP po namin na sa amin po dadaan ang lahat ng regalo o pasalubong n'yo sa crown prince," nakangiting paliwanag ko sa matandang babaeng kanina pa nangungulit sa mga royal guards na pagbigyang kausapin si Prince Liam.

Nagkatitigan kami ni Brix na ngayon ay may hawak na bulaklak at 'di mabilang na paper bags. Habang ako'y kipkip ang gamit at ilang mga pasalubong na inabot nila V.

"Naku, eday.Kina—kailangan kong maka istorya baga ang prinispe. Ihatag ko la adi nga akon dara."

"H-ho?" Nilingon ko si Brix na nag kibit-balikat lang.

Shuta. May interpreter bang available dito? Napalingon-lingon ako at nang walang makitang kakailala na marunong magasalita ng Waray, I offered the old lady a sweet smile.

"Nay, ganito ho kasi. Kung gusto n'yo, sa amin n'yo na lang ibigay ang regalo n'yo para kay Prince Liam. Promise po, makaka abot sa kanya 'yan. Kung may sulat ho kayo, ako mismo ang mag aabot."

Umiling ito at humigpit ang hawak sa bayong na hula ko'y siyang ibibigay na regalo sa amo ko.

"Aw. Pasaylo-a 'ko. Pero kan Prince Liam ko la ig-hahatag an akon regalo ha iya."

Napatingala ako. Akalo ko sa Kdrama lang ako mag no-nosebleed pati pala sa Waray.

"Ahm...kasi—"

"Manang Trining! Maupay nga aga. Kumusta? Kanina ka pa anhi? Kay ano man nga adi ka ligid? Unta nagsiring ka kan Jaques nga matapo ka ha akon."

Napasinghap ako sabay lingon sa kanan. There in all his handsomeness, Prince Liam is standing, smiling at the old lady. Wait. Tama ba 'ko? He spoke their dialect!

"Aguy! Diri na ito kinahanglan. Maaram ako busy hi Jaques. Waray sapayan. Usa pa, harani la man ang amon balay dinhi."

"Bisan pa," nakangiti nitong inakbayan ang matanda at niyakap. "Namingaw ako ha imo. Waray gud man pinag-bag-o. Mahusay la gihapon."

Sa gulat ko hinampas ng matanda ang braso ng binatang prinsipe. Wala naman kaming magawa dahil mukhang close ang dalawa kung pag babasehan ang kawalan ni Jaques ng reaksiyon sa nakikitang tagpo.

Reign Of The Hearts  (Reino De Filipinas 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon