Chapter 18

826 123 30
                                    

GEN'S POV

"SORRY NA. Babawi talaga ko sa'yo. Sa inyo.I promise," malambing na hinging paumanhin ko kay Karlo sa kabilang line.

Nasa kalagitnaan ako ng pag- aayos ng sarili ng tumawag ito at si Chardii.Pinapaalala sa 'kin na may life pa ko bukod sa trabaho ko sa palasyo.I know they're joking pero 'di ko mapigilang makaramdam ng guilt. Ang tagal na rin kasi since the last time na nagkita-kita kami.

"Babalik ka na this Monday di ba? So free ka that weekend, tama?" Boses ni Karlo na malamang sa malamang ay alam ko na kung saan papunta ang itinatanong.

"Yup," maikling sagot ko at ikinawit ang strap ng black sandals habang lumalabas ng kwarto ko. Panauhing pandangal kasi ang mga Royal Princes sa Fiesta Celebration ng isang baranggay sa Catbalogan ngayong gabi at naturalmente na karay-karay kaming tatlo nila V.

"Okay sige sabihan namin si Donna. Saturday?"

I sighed, mentally marking my schedule that day.

"Okay. I'll be there. Send me the details or usap tayo sa GC," saad ko habang tinatahak ang papunta sa living room. 7:30 ang call time at past 7 na sa wrist watch ko. Sana lang ay wala pa roon ang mga amo ko.

"Areglado,boss. Oh pano mag iingat ka dyan, ha? Miss na kita, Gen," pag lalambing pa ni Karlo. One of the things I love about him is super sweet siya, 'di lang sa 'kin kung 'di sa aming lahat na kaibigan niya.

"Kayo din. Miss you too."

Chardii shouted 'I love you' in the background, I grinned.

"I know. Love you more," nakangiting sagot ko at inilagay ang cellphone sa bag.

"Boyfriend?"

I gasp. With my hand on my chest, awtomatikong napalingon ako. Mukha ng tatlong prinsipe ang bumulaga sa 'kin. Si Prince Lazlo na mas malapit sa kin ang nagtanong. Nasa mukha nito at ni Prince Lachlan ang nakakalokong ngiti habang tahimik lang na nakatayo malapit sa hagdan si Prince Liam.

Blinking, I drink their casual yet mouth drool worthy looks. Pawang mga naka casual na outfit ang mga ito ngayong gabi–chinos, jeans at polo. Mahihiya ang mga fashion magazine models sa itsura ng tatlo ngayon.

"Your Highness, pardon," nahihiyang tanong ko sa pangalawang prinispe na himalang maganda ang mood. Tumaas ang sulok ng bibig nito, I think that's equivalent to smiling.

"I said, is that your boyfriend?"

Bago ko pa masagot ang tanong nito, nagpatiuna na sa paglalakad si Prince Liam. Pinukol muna nito nang masamang tingin si Prince Lachlan bago walang lingon-likod na nilayasan kami.

Ano na naman kaya ang toyo ng isang 'yon?

"Gen?"

"Ho? Ay hindi ho," marahas ang ginawa kong pag-iling. "Best friends ko ho ang mga 'yon."

Sa gulat ko ay nag-high five ang dalawang batang prinsipe sa harapan ko. Well, 'di naman na sila bata considering that they're both in their twenties pero sa asta kasi para itong mga teenagers. Hindi gaya ni Prince Liam na very matured at the age of tweny eight.

"The car's ready Their Royal Highness," biglang sulpot ni V sa puno ng hagdan.

Sabay-sabay kaming nagsi labas at nagtungo sa nakaparadang mga sasakyan. Like always, kasama ko sa sasakyan sina Brix at V. While Jaques and others were with the crown prince. Tahimik lang ako sa biyahe habang ang mga boys ay panay ang tuksuhan. May mga ilang dalaga kasing nakita ang mga ito sa barangay na pinuntahan namin kahapon at mukhang isa doon ang type ni Brix.

Reign Of The Hearts  (Reino De Filipinas 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon