Chapter 38

591 37 17
                                    


GEN'S POV

I was staring at the screen of my iPhone longer than necessary, contemplating my response to Liam. Will I say thank you first and then scold him for making our house a flower shop by bringing different types of flowers early in the morning, or is it the scolding that should come first followed by a sweet thank you?

Napahawak ako sa noo ng wala sa oras.

Oh, Liam! Anong gagawin ko sa'yo?

"Maam, paki sign na lang po dito," pukaw ng deliveryman sa akin.

"Thank you, Kuya," mahinang sabi ko at inabutan siya ng 300 pesos bilang tip.

Mabilis itong umiling.

"Okay na po Maam. May tip na hong naibigay sa 'min, napaka galante nga ho ng boyfriend n'yo."

"Ganon po ba? Sige po. Samalat po ulit," nag iinit ang pisnging sagot ko't tahimik na ibinulsa ang tag iisang daang pisong papel. Walang ideya ang kaharap na galing sa Crown Prince ang mga bulaklak.

The delivery man walked away and went straight to the truck that was parked outside our gate.

I shook my head. Nang sabihin ni Ate Ading na may delivery para sa akin, I was expecting a dozen of roses coming from Liam. Pero nagulat ako ng mahigit bente yatang klaseng bulaklak ang ipadala ni Kamahalan. My boyfriend doesn't know the word low-key.

Dahan-dahan akong lumakad papasok ng bahay at hinintay na matapos madiskarga ang mga bulaklak. Our living room was now in full bloom, literally. There are baskets of colorful flowers everywhere, from preserved red roses, hydrangeas, teddy bear sunflowers, peonies, and giant gypsophila. Inisa-isa kong sipatin ang mga iyon. I saw a note card inserted into one of the bouquets, my heart was thumping when I reached for it.

Beautiful flowers for my beautiful girl. One bouquet for each letter of your name, Love. Don't fight me with this one, please. I just want to show you how colorful my life is now because of you.

I miss you, Genessia. Always.

The Swooning and Whipped Crown Prince, Your Lee-Yum.

To say that I'm in awe is an understatemnet. Liam did it again, pulling a surprise for me that made me feel so special and swept me off my feet. Parang baliw na dinala ko sa dibdib ang card at malaki ang ngiting nakatingin sa mga bulaklak. God, he's the sweetest human ever!

"Huwag mo ng awayin, Gen. Masaya pa naman siya kagabi bago umalis," narinig kong pukaw sa akin ni Ate Ading. Gaya ko'y nalingunan kong nakatulala din ito sa mga bulaklak.

"Nasuhulan ka na din, Te?" biro ko habang dinadampot ang isang black leather box na nag lalaman ng powder pink Ecuadorian roses, preserved ang mga iyon naalala kong sabi ng isang satff. Tatagal daw ng mahigit isang taon, I'm thinking of placing it on my room.

"'Di na kailangan. Boto naman ako sa kanya para sa'yo. Bagay na bagay kayong dalawa," anitong kinikilig pa.

"Oh, siya. Mamaya ko na siya sasawayin about this," nakangiting inabot ko kay Ate Ading ang phone ko. "Favor, Te. Paki kuhaan ako pic."

Mabilis na kinuha ni Ate Ading phone at masaya kaming nag pictorial. I'm planning to start our scrapbook later and I need some photos for that.

"Mag hahain na ko. Sabay na kayo ni Sir V, Gen."

"Nasaan pala 'yon?" takang tanong ko.

Di kasi pumayag si Liam kagabi na hindi sa bahay matulog si V. I tried to talk him through it, that I don't need V to shadow me but as always it's a lost cause. Wala na kong nagawa ng sabihin niyang mag aalala lang siya nang labis kapag tumanggi ako. He pointed out that its for his own sanity and peace of mind, so I said yes.

Reign Of The Hearts  (Reino De Filipinas 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon