Chapter 7

1.2K 197 51
                                    

GEN'S POV

UGH! Ang kirot.

Naiinis na hinubad ko ang 2 inches na stiletto at minasahe ang mga daliri kong namumula't may paltos.

First week ko pa lang bilang royal aide pero ayaw ng makisama ng mga paa ko. Paano ako magiging tenured at ulirang empleyado kung ganitong sumusuko na agad ang paa ko sa sapatos?

I'm one of the girls that love their sneakers and flats to death over the treacherous thing called stiletto. But my job leave me no choice. Ilang paltos pa, mamananhid at masasanay din ako.

Bakit kasi 'di pwedeng mag tsinelas 'pag nasa loob ng communications office? Asar.

"You'll get used to it."

Napa-angat ako mula sa pag kakayuko. Ang naka ngiting mukha ni Kenneth ang nakita ko. He's one of the cute senior royal aides working for Press Relations department. Plus, pinsan din siya ng ka-dorm namin ni Donna na si Maddie.

"Speaking from experience?" biro ko rito na sinuklian niya nang malakas na tawa.

"No. Kahit gustohin ko di bagay sa kin and babagsak ang takong niyan," nakangising inangat nito ang kaliwang braso sabay flex. "'Di kakayanin ang muscles ko."

May point siya sa muscle comment niya. Maganda naman talaga ang katawan nito. Based on his specs, I know he's one of those gym buffs but on a leaner side. Hindi iyong bato-bato 'ika nga.

May pagka mestizo ito at mga 5'8 ang height. Siya 'yung tipong boy next door ang dating. Ipinakilala siya sa 'min ni Maddie three days after naming tumuntong sa palasyo.

He's kind enough to tour us around the employee's building at dahil sadyang mabait, naging ka-close ko na rin ito kahit paano.

"You can try Louboutin,mas matibay yun for sure."

Ngumisi ito.

"I'll try that. By the way, I have a bandaid on my table,let me get them para mailagay mo diyan sa paltos mo."

"Don't bother, may dala kong isang box," nakangiti kong sabi sa kanya at isinuot na ang sapatos ko. "It's a ladies must have."

Tahimik itong tumango pero natigilan nang marinig ang malakas na tinig ng mga papalapit naming kasamahan. Sina Olive, ang isa sa roommate namin ni Donna.

"OMG! Have you seen Twitter?" Tanong nito sa tatlong kasama't huminto sa tapat namin.

"Nope. What's  wrong with Twitter?"

"It's on fire," Olive said then waved her hands in my direction.

I akwardly waved back but my mind was racing through her comment. Kinabahan ako lalo pa nang makita kong mapailing ang dalawa sa kasama ni Olive na gaya ko'y baguhan lang din sa trabaho.

"Damn. Not again," Kenneth muttered while holding his phone.

Part ng trabaho namin sa palacio ay ang maging updated sa social media lalo na kung may kinalaman iyon sa royal family.

Every FB post, Instagram hashtags and tweets was carefully examined by our department. Kami rin ang responsible sa mga impormasyon na mababasa ng madla. To say that we're updated 24/7 is quite an undestatement.

"Why?"

Bilang sagot, inabot nito sa 'kin ang cellphone at maging ako'y muntik mapamura nang makita ang larawan sa screen.

"Prince Lazlo and Prince Lachlan were both spotted partying last night. That was posted ten minutes ago."

"This is bad," wika ni Olive.

Reign Of The Hearts  (Reino De Filipinas 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon