Chapter 13

999 147 31
                                    

GEN'S POV

"Bilisan mo!"

Puno ng pagmamadali ang kilos ni Donna ng hilahin ako paupo sa isa sa mga upuan sa employees cafeteria na ngayon ay walang katao-tao maliban sa ming dalawa at sa tatlong staff na nasa counter.

Hapon na noon at kababalik ko lang sa employee's building galing sa residence ng crown prince. Sinimangutan ko ang kaibigan.

"Pwede bang huminga muna? Hype ka."

"Okay. Here, drink this."

Inabot ko ang soda mula dito't tinunga iyon. I've drowned myself with lots of coffee and water since this morning but I'm still parched. According to the doctor, it's the meds.

"So?"

"Buhay pa ko, bakla."

"Namu. Alam ko. Akong papatayin mo sa excitement."

Gusto kong batukan ang kaharap pero wala akong nagawa kung 'di ang umayos ng upo't nagsimulang mag kwento. Or sumagot kasi parang imbestigador si Donna na ginigisa ko. Imbes na magkwento ako, ang naging siste namin, tanong n'ya sagot ko.

I told her everything I knew and the things that were privy of me. I bet she knew some if it, gusto lang talaga  niya na pagurin ako.Inusisa rin ako nito tungkol sa nangyari bago ako umalis ng bar kagabi at siyempre mabait akong kaiigan, I spill all the events that transpired last Friday. Wala akong iniwang detalye pati ang pag uusap namin nitong umaga at ang appointment ko as Special Royal Aide.

Nakita kong nan lalaki ang mga mata nito at maya-maya pa'y parang timang na pumalakpak at napasuntok sa hangin na akala mo naka jackpot.

"I told you, he's smitten by you Gen," puno ng panunudyo at kasiguraduhan ang boses nito.

I rolled my eyes at her.

Ipokrita 'ko kung sasabihin ko na di ako kinikilig at natutuwa na parehas kami ng assumption ng best friend ko, but the thing is iyon lang yun an assumption. Walang pruweba kundi ang malilikot naming imaginations at ang hormones kong nagwawala 'pag nasa paligid ang prinsipe. Sa madaling salita,ako at si Donna ay team Hopia.

"Bakla, mabait lang talaga si Prince Liam. Employer natin siya and kahit sino siguro ang malagay sa sitasyon ko ay same pa din ang gagawin niya," malumanay kong sabi dito pero bakit mas pakiramdam ko na mas kinukumbinse ko ang sarili ko kesa sa kanya?

"Nope. I beg to disagree.  Marami akong baong ebidensiya. Hear me out, okay?"

"May choice ba 'ko? Push."

Dumukwang pa ang bruha na tila ba bumubwelo. Pasalamat siya't may epekto pa ang gamot sa 'kin kung 'di katakot-takot na pang-aasar ang aabutin nito sa 'kin.

"First, I found out that he went out of his way para don sa night out natin. Sabi ng ibang department never daw nagpakita ang prinsipe para i-welcome sila or whatnot. Eto pa, mostly ng mga treat ng office niya ay sa mga middlle range na resto or bar. 'Di kasing high end gaya ng MinX."

"Speaking of MinX. Who's the owner?"

Talo ko pa ang nagsalita ng Mandarin nang tingnan ako ni Donna.

"Hindi mo alam? My God. Ikaw 'tong social media person sa 'ting dalawa dapat alam mo yon."

"Bakla, content ng marketing at brands ang hawak ko 'di census."

"Namilosopo ko pa. Sasabihin na. Shamie Torrevillas and his cousin Axel."

Muntik akong mabilaukan sa narinig lalo pa nang maalala ang isang pamilyar na mukha noong Biyernes ng gabi.

Reign Of The Hearts  (Reino De Filipinas 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon