Chapter 21

784 118 16
                                    

GEN'S POV

CLICHE. That's the first word that sprung to mind when I opened my eyes.

My mind aimlessly wander, wondering what time did I slept last night. Tanda ko alas-kwatro na ng madaling araw, gising na gising pa rin ang diwa ko't tila baliw na nakatitig sa kisame. Paulit-ulit na mukha ni Prince Liam ang umuukilkil sa utak ko't ang naging sagutan namin.

Regrets fiiled my head to the point na gusto kong iumpog iyon sa pader.Ba't ba pinairal ko na naman ang kagagahan ko? Ang kapal ng apog kong sagut-sagutin siya, 'di ko man lang naisip ang magiging consequence noon. My job is literally on the line. Paano kung pagpasok ko bukas, sa gates pa lang ng palsyo may eviction notice na ako? Terminated. Cause, matabil ang dila.

Told you, cliché.

"Fuck. Heto na naman ako," inihilamos ko ang palad sa mukha't pilit na kinalma ang sarili.

I've made peace with this turmoil last night. Ano nga ulit ang sabi ko? That he's known to be fair and I'll cross the freaking bridge when I get there. Spoiler, I'm the one who burns that proverbial bridge using a matchstick.

I sigh and opened my eyes.

"Shit," mabilis akong napatalon sa kama nang makitang mag alas nueve na pasado.

May lakad nga pala ako ngayong araw. Mabilis akong nag-ayos ng sarili't kinuha ang unang summer dress na nakita ko sa loob ng closet. I applied a light makeup, mascarra and lip gloss then I'm good to go. Snatching my old Chuck Taylors, I head down stairs.

Nadatnan kong nasa komedor si Ate Ading, ang kasambahay namin for almost eleven years. Ngumiti agad ito sa 'kin at inilapag ang hawak na tinapay na mukhang kabibili lang sa bakery sa kanto.

"Hi ate, kanina pa umalis sila Mama?" tanong ko't kumuha ng pan de coco na dala niya. Normal na schedule kasi ng parents ko na maagang umaalis para buksan ang maliit na negosyo namin sa U-belt.

"Oo mga 8:30. May delivery daw. Nagbilin pala si Kuya na dalhin mo raw iyong kahon na nasa may terrace," inginuso ang bandang labas ng bahay.

"Okay, ate. Salamat," sagot ko't nagsimulang mag almusal. I need to be quick kung ayaw kung maipit ng traffic sa daan.

Sinamantala ko ang pagkakataong day-offko ngayong araw, I'll visit Hospicio de San Lorenzo in Manila. Naging yearly tradition na iyon dito sa bahay at ngayon nga'y ako ang naatasang magdala ng mga libro at baked goodies para sa mga bata. Saktong foundation day ngayon ng ampunan kaya excited ako.

"Thanks sa kape, ate. Alis na ako," paalam ko habang kinakarga ang may kalakihang karton. Puno iyon ng libro at mga damit na maaari pang magamit ng mga bata sa ampunan. Galing ang iba roon sa mga kaibigan at kapitbahay namin.

After settling at the driver's seat, I typed the address of Mindy's Nook—our café, on Waze. Nag-text kasi ang papa ko na may ilang books pa ang nandoon galing sa mga customers namin, isasabay ko na kasama ang mga bagong bake cookies na favorite ng mga bata sa ampunan.

"Sana lang 'di mo ako itirik sa gitna ng daan," parang timang na kausap ko sa kotse nang nasa may Edsa na ako.

Hindi ko maintindihan sa tatay ko kung bakit 'di pa ibenta itong Toyota Corolla 2013, isang piyesa na lang yata ang kumakapit rito. Kapag ipinapaalala ko iyon sa kanya ang laging sagot ay gumagana pa naman daw. Dahil 'di masyadong masikip ang daloy ng traffic, wala pang trenta minutos nasa harapan na ako ng Mindy's. Hindi pa naman ganoon kapuno ang café, may ilang tables pa ang bakante. Binati ako ng nakatokang cashier, I just nod at her. Sa kusina ako dumiretso kung saan alam kong naroon ang aking papa.

Reign Of The Hearts  (Reino De Filipinas 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon