Chapter 10

1K 151 24
                                    

GEN'S POV

"Papa...mama," puno ng takot ang boses na tawag ko pero walang sumasagot.

Its a complete silence and when I opened my eyes,wala  kong makita.Kadiliman ang sumalubong sa kin.Nakakabinging kadiliman.

Ilang beses ko nang kinusot-kusot ang mga mata ko pero wala pa din. Bakit 'di binuksan ni papa ang ilaw sa labas ng kwarto ko? Alam niyang takot ako dilim.

Ayokong naiiwan sa isang silid o lugar na wala akong maaninag kahit ano dahil feeling ko anytime may sasakmal sa king kapre,higante or scary creature.I hate dark places,  it creeps the hell out of me.

Dahan-dahan akong bumangon sa kama kahit nag sisimula na kong makaramdam ng takot.Pakapa-kapang nag lakad.Walang direksiyon.Kailangan ko lang makita ang switch ng ilaw o ang flashlight na alam kong tinatabi ni Mama sa lamesa.Tama,sa mesa. Laging may nakahandang flashlight don si Mama.

Nagmamadali kong nilakad ang pwesto ng lamesa sa kwarto ngunit may humarang sa daraanan ko kaya awtomatikong kinapa iyon ng mga kamay ko.Lamesa iyon pero mukhang bagong bili ni Mama wala kasi itong gasgas at makinis ang kahoy.

Wala kong makapang flashlight o kahit ang maliit na lampshade na alam kong nakalagay dapat sa ibabaw nito ay wala din.May kung anong natabig ako ang mga kamay ko at lumikha iyon ng ingay.Pero di ko iyon pinansin,kailangan kong mabuksan ang ilaw.

Unti-unti na kasing binabalot ng takot ang katawan ko at nararamdaman ko na ang panginginig ng katawan ko.Panic is starting to consume me and I don't like it.

"P--please..." naiiyak kong sabi sa mas pinalakas na boses. Umaasa na sana ay marinig ako nila Mama.

Bakit di pa sila dumarating? Iniwan ba nila ko? Saan sila pumunta? Lakad. Kapa. Lakad...kapa ang ginawa ko sa k'warto pero 'di ko mahagilap ang dingding at ilang mga dekorasyon na din ang natabig ko. Every time it created a sound that fueled to my now anxious state. Napapagod na napasalampak ako ng upo. May kung anong matulis na bagay ang tumusok sa kamay ko at may tumutulong mainit na likido doon.

Blood! Nasugat ako? Kung ganoon bakit di ko maramdaman ang kirot? Pero ramdam ko ang pag agos ng dugo sa mga palad ko. Lalo 'kong nakaramdam ng takot. Kailangan kong makaalis sa kung saan man ako naroon.

"M--mama..Papa..ayoko dito," nangingig ang mga kalamnan na gumapang ako. Bahala na kung saan ako mapadpad.Gusto kong may makitang kahit maliit na siwang ng liwanag.

Nangangatal at pagod na pagod ang katawan ko pero pilit kong ginagapang ang kung ano mang espasyong meron sa kinaroroonan ko. Nararamdaman kong basa na ng pawis at luha ang buong mukha ko at 'di pa rin maalis ang panginginig katawan ko. Nahahapo na 'ko at parang may mabigat na dumadagan sa dibdib ko. Mula sa malayo ay may natanaw akong isang siwang ng liwanag, maliit lang iyon pero sapat na para mabawasan ang takot na ngayon ay sumakop na sa buong pagkatao ko.

Panic and anxiety attack me just like a thief taking away every inch of my sanity.

"P..please,h--help," pilit kong inaabot ang liwanag na iyon at ng malapit na ko ay bumaha ng liwanag sa paligid at narinig kong nag kakagulo ang mga tao sa paligid ko.

"Mierda. Genessia!!" a deep, angry voice reverberated around the room. Slowly my body started to relax the moment it felt his presence. He calms me.

Mabilis niya akong dinaluhan at inikot paharap sa kanya.

"Are you okay? Fuck. What happened?" balot ng pag aalala ang boses nito. Hinawi niya ang mga buhok na tumatakip sa mukha kong basa ng pinag halong luha at pawis.

Reign Of The Hearts  (Reino De Filipinas 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon