Chapter 51

332 11 3
                                    

GEN'S POV

"I-SHOT MO."

Kinuha ko ang basong inabot ni Donna, throw the content sabay tapik sa dibdib. I could feel the alcohol burning the walls of my mouth, my throat until it stopped and warms my tummy. Hayop, lason. It's hell but not enough. Hindi noon maibsan ang sakit na naging residente na sa puso ko.

"Putcha, bakla. Ba't mo naman inubos lahat? May lakad ka?"

Pinunasan ko ng likod ng kamay ang bibig. 'Di pinansin ang sermon ni Donna.

Kasalukuyan kaming nasa bahay nila Chardii sa Tumana, nursing my shattered heart over a bottle of Emperador. Matapos ang trabaho ko, tinext ko ang dalawa ng mga katagang 'Emergency' at heto kami ngayon sinusubukang patumbahin ang mga bote ng empi. So far the score is 1-0, in favor of the broken hearted human. Yay, cheers!

"Shuta ka. Sabi shot puno, may chaser. Hindi, shot tapik."

"Unang matutunaw ang atay mo kaysa sa pighati mong gaga ka." Susog pa ni Chardii sa panenermon ni Donna.

I rolled my eyes at my two nagging best friends.

"Ano bang inaangal n'yo? Hindi ko naman sinayang ang alak. Bilis, tagay."

"Shit. May lakad nga." Palatak ni Chardii habang sinasalinan ng alak ang baso ko. "Mamaya mag da-drank text na yan. Pustahan?"

"May mali ba sa akin, Kamahalan?" Pang aasar ni Donna sabay kunwa'y humihikbi't ginagagad ang boses ko.

"Me na lang again, Liam. Please." Dagdag naman ng isa, binitawan ang bote't tumakbo sa pader. Ang gagang Chardii, nag-walling.

Humagalpak ng tawa si Donna. Ako? Malapit na akong mag-amok. Kapag hindi ako nakapag timpi, magpapalit na 'ko ng mga best friend. Mukhang hindi lang sa relationship applicable 'yung seven year itch. Sa inis, tinungga ko na ang bote. Anong shot-shot? Shuta, lagok kung lagok.

"Gen, mag hunos-dili ka nga muna. Hoy babae!"

Tinabig ko ang kamay ni Chardii, I continue to siwg praying in any god that when I emptied this shit wala na rin ang sakit. Nang makaramdam nang bahagyang pamamanhid ng pisngi, humalakhak ako. Hungkag.

"G-gen." Both of their voices are dripping with worry.

Marahas kong inilapag sa ibabaw ng lamesa ang bote't sinapo ang mukha. Namalayan ko na lang basa na ng luha ang mga palad ko. I'm drowing with sorrow and I don't know how to save myself. Ang hirap huminga kung mas lamang na 'yong pait kaysa hangin sa loob mo.

"Puta. Ang sakit mga bakla. I-iyong akala ko ayos nang lahat then bigla may isang shit na namang susulpot sa harapan ko. Tang ina naman. Pwede bang isa-isa lang, Lord? Sa Samgyup ko lang na-a-appreciate ang unli hindi sa usapang puso. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Litong-lito na ako."

Saglit na namayani ang katahimikan sa aming tatlo. Hikbi ko lang ang tanging maririnig. Salamat na lang kay mareng KZ Tandingan dahil mas lalong naging dramatic at tragic ang gabing 'to. Napahagulgol ako nang marinig ang chorus ng kanta niyang napaka appropriate ng title para sa nararanasan namin ni Liam sa ngayon.

I'm freaking scared for our future and his. I want to run and at the same time go to Liam. Hug him 'til the pain disappears. I'm a mess and a walking contrast.

"T-tang ina. Scam 'yong n-nagsabing kapag i-ipinilit, makikinig si Universe. Umaasa ako. Pilit ako nang pilit, p-puro laban lang kahit walang kasiguruhan. Sabu ko k-kasi mahal ko. H-heto napala ko ngayon, wasak."

"Gen."

Mahigpit akong niyakap ng dalawa't sa mga bisig nila pinakawalan ko ang sakit na naipon ng ilang araw. From the day na inilipat ako ng hari sa ibang department hanggang kaninang hapon, ngayon lang ako umiyak. I've bottled my anger na akala ko totally namanhid na ako. Hindi pala. Isang tagay lang at sa harap ng mga tamang tao huhulagpos ang lahat ng kinikimkim kong sakit.

Reign Of The Hearts  (Reino De Filipinas 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon