Chapter 3

1.6K 232 165
                                    

GEN'S POV

"Genessia to earth!Yohooo!" Matinis na boses ni Donna ang gumising sa pagkakatulala ko.

Kumurap-kurap ako sabay titig sa mga kamay niyang naka wasiwas sa harap ng mukha ko na akala mo ay flag.

"Hoy! Maria Genessia Rodriguez namatanda ka ba? Kanina ka pa tulaley d'yan." Dagdag ni Chardii na nakaupo sa tapat ko.

Sa harapan namin ay ang mga umuusok pang bandehado ng lugaw. Nasa isang twenfy four-hours gotohan kami para magpalipas ng tama ng alak.

Well, I don't need it, to be honest. Kanina siguro, yes, but now definitely not. After what happened, dilat na dilat ako. Gising ang diwa ko't lumilipad patungo sa napaka yummy na stranger.

"Oo nga kanina ka pa walang imik. Ano ba problema mo? Simula noong makita ka namin sa may eskinita ganyan ka na," puna ni Donna. Huminto ito sa pagkain at mariing tumitig sa 'kin.

Ako ang unang nagbaba ng tingin. 'Di talaga ko titigilan ng mga ito hanggat hindi ko sinasagot. Napabuntong hininga ako at pinag trip-an ang kutsarang nasa harapan.

How will I explain to them what happened? That I accidentally danced and kissed a total stranger or was he really a stranger? I have this weird feeling that he's oddly familiar. I just couldn't place it.

"Okay lang ako. Medyo tipsy lang," walang gana kong sagot at hinarap ang lugaw na lumalamig na.

"Eh ba't ba kasi ang layo ng narating mo? Akala namin nadukot ka na," si Chardii.

"Pag labas ko ng restroom wala ka do'n sa may pinag iwanan ko sa'yo." Si Karlo na halatang nag aalala pa rin kahit ilang ulit ko nang sinabi na ayos ako.

Minsan ang OA din ng mga kaibigan ko sa totoo lang. I sighed.

"Naisipan ko lang mag lakad-lakad. Sorry guys if nag alala kayo.Pwease." A sweet smile painted on my lips. It's my ultimate weapon, the one I know they couldn't resist.

"Hay naku Gen ha! 'Wag mo kong madaan-daan sa pag papa cute mo. Dahil sa pagiging MIA mo, na-stop ang lanidan namin ni Fafa Benjie," pagtataray ni Chardii sabay irap.

"Hmp! Kunwari ka pa. Nakita ko nag palitan na kayo ng number kanina bago tayo umalis sa party," pambabara naman ni Donna dito.

Natawa na lang ko sa pag aasaran nila. Muli kong binalik ang atensyon ko sa pagkain. Hinalo-halo ko ng kutsara ang lugaw na bahagya ko pa lang nababawasan, kasabay ng pag ikot ng malapot nitong sabaw ay ang pagbalik ng mga pangyayari kanina sa eskinita...

His soft lips brushed into mine, silencing me. Drowning all the words in my mouth before I can even utter them.

How many seconds can a person hold her breath? One. Two. Seven seconds? I don't know maybe seven ?

Hell, I lost count!

All I know is that ang bango ng hininga niya parang sa baby! 'Di kinakaya ng powers ko ang nararamdaman or rather hindi ko alam ang dapat kong maramdaman. Its my first kiss for crying out loud!

Pero bago pa maka formulate ng sagot ang utak kong nag evaporate na yata, he stopped and pulled away from me. As I opened my eyes, his gaze met mine. He's staring into my soul as if he's reading every secret I have.

How ironic it is, I ask myself, its so much dark yet I can see so much light in it.

Ipinilig ko ang ulo matapos maalala ang nangyari kani-kanina lang. The kiss was brief yet I can still feel his lips and the mint-flavored taste of his mouth lingered even after he's gone. Ano ba nangyayari sa 'kin?

Reign Of The Hearts  (Reino De Filipinas 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon