Chapter 22

908 118 20
                                    

GEN'S POV

"YOW!"

My fingers automatically stopped from typing on my iPad's keyboard when I heard Donna's voice. Nag angat ako ng tingin at nakita itong umupo ng pa de-kwatro sa silyang nasa harapan ko.

"Uhm?" Maikling sagot ko at ibinalik ang atensyon sa ginagawa.

"It's 11:50 already. Anong uhm ka dyan?Lunch na tayo.You owe me tons of explanation."

"Oh,shocks. Sige wait lang patapos na 'ko dito. Are you starving? Or kaya pa naman?" Natatarantang inayos ko ang mga papeles sa harapan ko.

"Gutom? Keri pa. Pero kapeng-kape na 'ko. I'm craving for that iced coffee of SB."

"Okay. Give me three minutes," I searched for my phone and purse. Ready to go to the newly opened Starbucks across the road with my caffeine-deprived BFF.

Kagabi pa ito nag aayang mag coffee shop kami mukhang may balak i-kwento dahil na rin siguro sa napaka imposibleng makapag usap kami nang maayos sa kwarto namin. Naroon kasi sila Maddie palagi.Napapansin ko rin na madalas tulala si Donna nitong mga nakaraang araw. Tila laging may malalim na iniisip.

Patayo na 'ko mula sa upuan ko ng biglang tumunog ang phone sa ibabaw ng table ko. Konektado iyon sa opisina ng prinsipe.

Nagkatinginan kami ng kaibigan. Umirap ako. I cleared my throat first before I picked up the receiver.

"Good afternoon, Your Royal Highness. What can I do for you?" I greeted him with the most business-like tone I can manage.

"It's lunch already, why are you still at your table?"

Kumunot ang noo ko sa narinig.

"We're about to have lunch, Your Highness. May kailangan ho ba kayo? I can go the–"

"We? Who's We?" Putol nito sa 'kin. May diin ang boses nito sa salitang 'we'.

Lalong nagsalubong ang kilay ko. Is he mad?

"Genessia?"

"Donna, Your Highness."

"Okay. Go and have your lunch. We'll have the briefing after, Genessia."

"Ahm...pwede akong sumaglit sa opisina niyo, Sir."

"No. Hindi ka dapat nagpapalipas ng gutom. Go. Now. That's an order."

I tucked my hair behind my ear and smile. Shuta. Kinilig na naman ako.

"Thank you, Kamahalan," wala sa loob na naisagot ko. Natutop ko ang bibig at napatingin kay Donna. She gave me a knowing look.

May hang over pa siguro ako ng nangyari noong isang araw matapos naming magsama ng halos buong isang araw sa ampunan. Hindi nga ba't ialng beses ko rin siyang natawag na Kamahalan noon? It comes out naturally and he seemed to be please everytime I'm havinga slip if tongue just like now.

"Hmm. Better. Enjoy your lunch," hindi nakaligtas sa pandinig ko ang saya sa tinig ng prinsipe bago ito nawala sa line.

Fudge kinilig ako. Parang noong nakaraang araw lang ang dami naming sweet moments tapos heto na naman, another one for the book.

"Genessia to earth! Yoho. Sana kaya today," pukaw ni Donna sa pag de-day dreaming ko. She waved her hands in front of me.

Namumula ang pisnging ngumiti ako.

"Okay. Let's go."

After grabbing my stuff, magka angkla kaming lumabas ng opisina. Bahagyang puno ang coffeeshop ng dumating kami palibhasa'y lunch break ng mga empleyado kaya madaming tao.

Reign Of The Hearts  (Reino De Filipinas 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon