Chapter 24

758 117 32
                                    

GEN'S POV

"GEN. DONNA. Did you have your copies of the Protocols and sched?"

"Got it, J." Nakangisi kong sagot kay Jaques gamit ang pet name ko sa kanya. Nangingiting umiling ito.

Para kasi 'di naman lugi kay V at hindi din ako mapagod kapag tinawag ko siya, I decided na gawin na ring first letter ang nick name ko sa kanya. No brainer.

"Creative. Ver original. Nice one, Gen." Tatawa-tawang sabi nito, napakamot ng batok. Saka tinapunan ng nahihiyang tingin si Donna na panay ang hawi ng buhok.

What's with these two?

Bago ko pa mabiro ulit si Jaques ay dumating na ang entourage ni Prince Yñaki.

"Good morning, Your Highness." Magkasabay na bati naming tatlo.

Kasalukuyan kaming nasa malawak na basement parking ng palasyo na mas mukhang car showroom ng mga luxury cars kaysa parking. Countless expensive cars were scattered around us, hindi pa kasama ang nasa basement two. Ranging from Maserati to Dodge to Bugatti. Name it, the royals has it.

"Morning." Magaan ang boses na ganting bati nito at tumingin sa amin ni Donna. " Where's Liam?"

"He's on his way here, Your Highness. Kasama po si V." Sagot ko.

"Okay. Stagecoat's ready?" Baling nito kay Jaques na ang tinutukoy ay ang opisyal na sasakyan ni Prince Liam.

"Yes, Your Highness," mabilis na sagot ng second in command ni Kamahalan saka kinausap ang mga tauhan sa earpiece. "Wheels up. Spectator and Blackhawk's ready."

Those are the secret names for the royal princes. The third prince is the former and Kamahalan's the latter one.

"Shit," usal ni Donna sa tabi ko. I followed her gaze and I shared her sentiments.

Holy fudge! Pumarada sa harapan namin ang isang silver-blue sleek Mercedes Maybach Pullman s650. It's LUXURY in bold letters.

Mentally, napasipol ako. The royals really know how to spend their money. Why? Cause its the most expensive sedan in the world. The freakin' car is a limited edition. Ang alam ko dalawa lang ang ni-release ng company na ganoong design. The price is a staggering one million euros.

"Everything  good?"

Naputol ang silent appreciation ko sa Maybach ng marinig ang baratinong boses ng amo sa may bandang likuran ko.

"Yes. We're good. You're such a drama queen. Always late," pang-aalaska ni Prince Yñaki dito sabay pabirong binigyan ng mahinang straight si Kamahalan sa braso.

Prince Liam's face darkened then he groaned.

"Don't start." Ani Kamahalan sa pinsan na malokong naka ngisi. "Miss Trinidad, you'll be riding with Prince Yñaki."

"Yes, Your Highness." Mabilis na sagot ng kaibigan ko't pinisil ako sa kamay. "Later, Bakla." Bulong niya bago naglakad patungo sa pwesto ni Neil, ang royal guard ng third prince.

"Let's go then," aya ni Prince Yñaki.

Naunang umalis ang mga ito, kasunod kami nila Prince Liam. Aktong bubuksan ko ang pinto sa shotgun ng napakagarang sasakyan nang pigilan ako ni Jaques. Nagtatakang tumingin ako sa kanya, inginuso naman agad nito ang pintuan ng backseat.

Kinunutan ko siya ng noo. Ang alam ko kasi ako ang katabi ni V, ang designated driver namin today.

"Here, Gen." Jaques said while holding the door for me.

Reign Of The Hearts  (Reino De Filipinas 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon