Chapter 9

1K 161 33
                                    

GEN'S POV

"Hey wait for us!" habol ni Donna mula sa likod at biglang sumingit sa pagitan namin ni Kenneth. Natanggal tuloy ang kamay ng binata na naka alalay sa likod ko.

Hindi ko ito pinansin. Gusto ko na kasing makaalis sa kwarto na 'yon kaya nagmamadaling hinila ko ang braso ng kaibigan. Baka mai-salvage ko pa ang kakapiranggot na pride na natitira sa 'kin. Iyong kahihiyan kasi, totally depleted na.

"Okay,tara. Bilisan mo, bakla."

Ilang saglit pa ay humalo na kami sa mga taong nasa gitna ng dance floor.

As expected, everybody's clubbing like it's their last time partying on earth. Can't blame them, it's the weekend. We're like in one great puppet show, the DJ's the marionette and we're all his puppets dancing and gyrating to the master's invisible string–music. I know that my head will hurt like hell tomorrow 'cause of a hangover but I keep on burying that thought. Paracetamol and a liter of water will do the trick tomorrow. I'm hopeful.

Besides, after ng kalokohang ginawa ko sa harap ni Kamahalan bagay lang sa 'kin ang sumakit ang ulo bukas.

"Bingo ka na ba, bakla?"

"Gaga, block out na card ko."

"Don't be too hard on yourself. I saw him smile," kinikilig na bulong ni Donna sinabayan pa nang impit na tili.

"Nakita mo rin 'yon?"

"Kakasabi ko lang 'di ba?"

"Hi! Sexy," narinig ko ang malamyos na boses ni Kenneth sa likuran ko.

"Hi yourself, pretty boy," ganti ko't nakangiting humarap.

I saw some of our officemates gather around the dance floor. The music now is little bit sexy, nang kuhanin ni Jeff ang kamay ni Donna wala itong nagawa kung hindi ang magpatianod sa kasamahan namin. Wala akong choice kung 'di pagbigyan si Kenneth na maisayaw ako.

His hands snaked around my waist, medyo natigilan ako. I quickly placed both of my palms on his chest, he smiled knowingly. Isa iyon sa gusto ko sa binata, gentleman ito at hindi masyadong pushy.

"Glad I had my chance to snatch you away. Mahirap kalaban ang mga big boss natin."

"Kalaban? Saan?" Mahina akong natawa.

"You know...all of the female population go crazy over the royals. Kung sasabihin mong immune ka, Gen. Hindi ako maniniwala."

I gave him my most sincere smile.

"Tao ako, Ken. Hindi rin ako ipokrita. Yes, 'di ako immune sa kanila but I'm not a fool either. Humahanga lang kami. That's all," saglit akong natigila dahil nanayo na naman ang balahibo ko sa batok. "At the end of the day, I'm the girl who'll end up marrying the next random guy who have a knack for a crazy lady with a poor sense of humor."

Malakas na tawa ang narinig kong pinakawalan ni Kenneth sa sinabi ko. Napangiti na lang din ako sa reaksiyon ng binata.

"Napaka swerteng nilalang."

"Baka malas."

"Nah. I beg to disagree. Whoever he is, he's the luckiest. You're pretty, smart, funny, and sensible."

"Sensible?"

"Yes. To know that there are off limits," tumingala ito't sinundan ko ng tingin ang mga mata nito. The air on my lungs was sucked out when intense dark brown orbs met my inquisitive ones.

Reign Of The Hearts  (Reino De Filipinas 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon