Kabanata 35:
- I miss you -Natigil ako sa pag-iyak nang marinig ang katok sa labas ng kuwarto ko. Inalis ko naman ang unan na natatakpan ng aking mukha.
"Sino yan?" tanong ko.
"Si Lloyd 'to, Princess." sabi ni Kuya Lloyd.
Ay! Oo nga pala! May pupuntahan kami ngayon ni Kuya Lloyd. Dahil sa kakaiyak ko, di ko namalayan yung oras. Ilang oras ba ako nagmukmok dito?
"Pasok, Kuya." sabi ko sabay punas ng mga luha sa aking pisngi at bumangon sa pagkakahiga sa kama.
Saka naman pumasok si Kuya Lloyd nang ma-check kong ok na ako. Sana di mahalata ni Kuya na umiyak ako dahil sa pamumula ng mga mata ko. Alam ko tatanungin ako nyan kung ano dahilan bakit ako umiyak. Ayaw ko naman sabihin ang totoo na dahil kay Ax. Makakarating na naman yan kay Kuya Louis tapos pagsasabihan ulit ako nyan.
"Ok ka lang? Pupunta pa ba tayo?" tanong nito nang lumapit sa kinaroroonan ko at dahan-dahan naupo sa gilid ng aking kama.
"Hmm, punta tayo, Kuya. Sorry di ko namalayan yung oras. Napahaba tulog ko." sabi ko nang dali-daling kinuha ko sa maliit na mesa ang cp ko para tingnan ang oras. "Ano oras na ba----" di ko napatuloy pa sasabihin ko nang makita sa screen ng cp ko na alas 2 na pala ng hapon. Di ko namalayan na di na pala tanghali ngayon. Napalipas tuloy ako ng kain.
"Alas 2 na. Pero kung gusto mo pumunta pa ngayon, tara." sabi nito.
"Sige. Tara, Kuya." payag ko at tangg
kang tatayo na sana ako nang hawakan ni Kuya Lloyd ang braso ko na dahilan napahinto ako at napatingin dito."Ok ka lang ba? Parang masama ang pakiramdam mo ngayon. Next time nalang tayo pumunta. Kung gusto mo, pahinga ka muna ngayon." nag-alalang pigil ni Kuya Lloyd sakin.
"Ok lang sayo, Kuya?" tanong ko. Ayaw ko naman talaga pumunta dahil nawalan na ako ng gana. Saka feeling ko may sakit ako dahil sa sobrang tamlay ng katawan at mga mata ko.
"Oo, ok lang." payag nito sabay tango. "Pupunta ako ngayon sa Mall. Sabihin mo nalang sakin kung anong gusto mong kainin o gusto mong iregalo ko sayo. Bibilhin ko." sabi nito habang may matamis na ngiti. "Ano ba gusto mo?" tanong nito.
"Hmm... Kuya, kahit Jollibee lang, ok na yun sakin pero sana wag mo kakalimutan yung madaming fries ah? Alam mo naman favorite ko yun." sabi ko sa kanya.
"Wag kang mag-alala. Sige, pahinga kana." sabi nito at inalalayang pinahiga ako nito sa kama. Pagkahiga, kiniss nito ang ulo ko sabay sabi ng, "Pagaling ka." nakangiting matamis sabi nito.
Tumango lamang ako dito.
Lumabas na nga ito ng kuwarto para pumunta nga sa Jollibee.
Marahan kong pinikit ang aking mga mata para umidlip kahit saglit lang. Pagod na ko sa kakaiyak, gusto ko munang matulog Alaala ko pa rin yung kaninang eksena nila Ax at Ate Stacy. Di ko makakalimutan yung harap-harapan silang naghahalikan sa aking harapan. Ewan ko pero nasasaktan na naman ako.
Naidilat ko nalang ang aking mata at doon na naman nagsilabas ang mga luha sa aking mga mata. Nakatingin lang ako sa kisame habang nakahiga nang di tumitigil na naman ang mga luhang humahagos sa aking mga mata.
"May problema ba?"
Narinig ko nalang na may nagsalita. Napatingin naman ako sa gilid ko at nakita ko si Ax. Nakatayo malapit sa hinihigaan ko at kunot-noong nakatingin ito sakin.
Pumasok pala ito ng kuwarto ko at di ko naramdaman ang presensya nya. Kahit pagbukas ng pinto, hindi ko narinig.
Dali-daling pinunas ko naman ang mga luha sa aking mga mata. Bumangon ako sa pagkakahiga at tinanong siya.
BINABASA MO ANG
He's 5 Years Older Than Me [YOUNG LOVE SERIES#1]
Подростковая литератураWhy does my heart beat so early in a man? We just met for the first time, it wasn't good. I know it's forbidden to like him because he's my brother's friend. Lalo na't pinagbabawal na magkagusto ako sa kanya dahil ayaw ng kapatid ko. O may mas higit...