Kabanata 25:
- Cellphone -"Ano ba bibilhin mo dito?" tanong ko sa kanya nang nasa loob na kami.
"Alangan ikaw. Syempre mga gamit." pamimilosopo ni Ax."Tara. Doon tayo." hinila ulit ako nito.
Nagpahila naman ako dito.
Ewan ko ba parang nawala na ako sa mood. Nakaka-boring na. Bibili ba sya ng ballpen? Notebook? Lapis? Dapat nagpasam nalang siya sa Stacey niya. Isasama pa ko! Sayang oras ko.
Napa-pout na huminto na kami sa paglalakad ni Ax. Nasa tapat na kami ng mga notebook.
"Pili kana." sabi nalang nito.
"Bakit? Para saan ba?" napataas kilay tanong ko.
"Syempre, gamit mo. Malapit na pasukan mo di ba? Saka kasalanan kong di na natin binalikan yung binili mong gamit. Kaya babayaran ko ngayon. Ayaw ko kasi sa lahat sinisingil ako. You know." paliwanag nito sabay ngiti ng pilyo.
Napa-ikot ko nalang ang aking mga mata.
Ang yabang talaga niya kahit kailan.
"Hayy." napailing-iling nalang na sabi ko."Baka pabayaran mo lang naman sakin." sabi ko nang nagsimula na akong maghanap ng notebook.
"Syempre, oo." sabi nito.
Salubong ang mga kilay na tumingin ako sa kanya.
"Joke lang. Hahaha!" biro nito at tumawa.
"Ewan ko sayo! Pinagti-tripan mo ko talaga 'no? Bahala ka dyan!" inis kong sabi at aalis na sana nang hawakan nito ang wrist ko para pigilan.
"Hey! Ang maldita mo talaga. Binibiro lang naman kita. Pili kana. Promise di na ko magsasalita baka magalit ka na naman." sabi nito agad.
Ako naman yung madaling nawala ang galit kaya bumalik ako. Naghanap na ako ng notebook. Nakaisip nalang ako ng paraan.
Kung madami kaya kunin kong kagamitan? Tama! Makakabawi ako sa kanya. Uubusin ko pera niya. Hihihi! *witch laugh*
Madami na nga ang kinuha kong mga notebook. Sobra na atang 12 ang nakuha ko pero nakita kong wala pa ring reaksyon si Ax.
Teka! Nakakalimutan ko pala, mayaman pala 'tong lalaking ito.
"Sayang. Tsk." mahinang turan ko.
"Kumuha ka lang ng marami. Mababayad ko naman yang lahat." nakangiting pilyo sabi nito.
Malditang tinaasan ko lang siya ng kilay sabay lagay ng notebook sa maliit na cart kung saan si Ax ang may hawak nun.
"Tsk!" sambit ko nalang sabay lakad para pumunta naman sa iba.
Sinundan lang ako nito habang hila ang maliit na cart.
"Wag kana kailan lalapit sa lalaking iyon ah?" turan nalang ni Ax.
"Sino naman?" tanong ko na abala lang sa pagpipili ng ballpen.
"Yung lalaking iyon kanina. Alam mo na kung sino yun basta wag mo na alamin ang pangalan non. Di mo yun kilala." sabi nito.
"Ah? Sino? Si Clyde?" napatingin dito na sabi ko.
"Pano mo nalaman ang pangalan ng gagong yun?" napasalubong ang kilay na turan nito.
"Wala kanang pakialam dun." nakangiting pilya na sabi ko."Alam mo, sikat rin pala yun. Ngayon ko lang nalaman na mas magaling yun magbasketball kaysa sayo. Hahaha!" natatawang kwento ko.
"Ano? Magaling sya kaysa sakin? Sino nagsabi?!" bahagyang galit na sabi niyo.
"Secret. Di mo na kailangan malaman basta tanggapin mo nalang kasi na mas magaling at guwapo yun kaysa sayo. Bleeeh!" pang-aasar ko sa kanya sabay belat.
![](https://img.wattpad.com/cover/190428868-288-k597506.jpg)
BINABASA MO ANG
He's 5 Years Older Than Me [YOUNG LOVE SERIES#1]
Novela JuvenilWhy does my heart beat so early in a man? We just met for the first time, it wasn't good. I know it's forbidden to like him because he's my brother's friend. Lalo na't pinagbabawal na magkagusto ako sa kanya dahil ayaw ng kapatid ko. O may mas higit...