Kabanata 20:
- Parking Lot -Pati pa naman sa pagligo ko, pagbihis ko at pag-almusal ko, iniisip ko pa rin yung kanina. Bakit kasi di na ko naglagay ng napkin, hinintay ko pang matagusan ako. Naku! Kakahiya! Bakit si Ax pa nakakita?!! Pwede naman si Kuya Louis---oo nga pala! Maaga umalis pala yon.
Ano ihaharap ko kay Ax mamaya pag umuwi na siya? Panigurado, panibagong bansag na naman niya iyon sakin. Sabihin niya...
"Unanong tagos!"
O di kaya,
"Unanong may ketchup!"
Grrrggghh! Kainis! Ano ba naman yan, Klarisse?!! Dalaga kana, dapat inaayos mo na sarili mo. Huhuhu.
Palabas na sana ako ng bahay nang saktong lumabas sa gym si Kuya Kieffer.
"San punta mo, Klarisse?" tanong nito sakin.
Napalingon naman ako. Nakita kong pinupunasan nito ang mga pawis na tumutulo sa leeg niya.
"Bibili na ko, Kuya ng gamit para sa school ko. Alam ko kasing busy kayo kaya ako nalang mag-isa bibili." sabi ko sa kanya.
"Di ka pwede mag-isa kasi delikado---" di napatuloy sasabihin nito nang magsalita ako.
"Sus! Kuya, malaki na ko. Di na ko bata. Hahaha!" natatawang sabi ko.
"Pero---" di ulit napatuloy pa sasabihin nito nang nagpaalam na ako.
"Bye, Kuya!"
Lumabas na nga ako ng bahay. Di ko na pinakinggan pa ang mga sinasabi ni Kuya Kieffer.
"Miss, dito ko nalang ata ko kayo mahahatid. Masyadong traffic talaga ngayon. Di bale, malapit na kayo sa Mall, lalakarin nyo lang. Mga 10 minutes, andun na kayo." sabi ni Manong tricycle driver.
"Sige po, ok lang." sabi ko."Bayad ko pala, Kuya."
Pagkabayad, bumaba na ako sa pagkakasakay sa tricycle. Nagsimula na nga ako maglakad ngayon. Jusko! Ang init pa naman sa Manila. Ok lang yan. Isipin ko nalang para sa kaunlaran ito ng bayan ng alay lakad ko na ito.
Naglalakad na nga ako at puro ingay ng sasakyan ang mga naririnig ko. Sabayan pa ng mabahong pinapalabas ng kotse. Narinig ko nalang na tumutunog ang cp ko. Dali-daling sinagot ko ito.
Nakita ko na di naka-save ang number na tumatawag sakin. Sinagot ko na nga iyon.
"Hello?" sabi ko.
"Hello? Ito po ba si Klarisse?" boses lalaki na halatang pamilyar sakin kunti.
"Oo, ako nga po. Sino po sila?" tanong ko.
"Si Celo ito. Butler ito ni Ax, yung niligtas mo." sabi nito.
"Oh! Kuya Celo! Kamusta na po kayo?" bulalas ko agad. Mabuti tumawag na siya. Siguro gising na yung si ...na! Ayaw ko sambitin ang pangalan. Naaalala ko tuloy yung unggoy na iyon.
"Ok lang naman. Gising na ang anak ng Master ko. Gusto ka niyang kausapin para pasalamatan ka sa pagtulong mo sa kanya." sabi nito.
"Sige po."
Hinintay ko nga magsalita yung Ax na tinulungan ko.
"Hello---" narinig ko na ang boses nito nang bigla nalang may humablot sa cp ko.
Nakita kong isang lalaki na ninakaw yung cp ko. Tumakbo na ito palayo.
"Hoy! Cp ko!!!" sigaw ko halos nataranta na ako."Magnanakaw! Cellphone ko! Hoy!" sigaw ko sabay takbo para sundan ito.
BINABASA MO ANG
He's 5 Years Older Than Me [YOUNG LOVE SERIES#1]
Novela JuvenilWhy does my heart beat so early in a man? We just met for the first time, it wasn't good. I know it's forbidden to like him because he's my brother's friend. Lalo na't pinagbabawal na magkagusto ako sa kanya dahil ayaw ng kapatid ko. O may mas higit...