Kabanata 19:
- Stars -Naglalakad lang kami at nililibot lang ang Mall habang si Ax ang nagtutulak ng cart samantala ako ay nasa bulsa ang isang kamay ko habang naglalakad kasama siya. Kakatapos lang namin mga kani-kanina lang kumain.
Lahat ng nadadaanan namin ay may kanya-kanyang mundo ang mga tao dito. Sabayan pa ang ingay at mga boses na naghalo-halo na dito sa Mall. Pati na rin ng mga music na pinatutugtog ng Mall.
Di ko alam bakit palibot-libot kami ni Ax dito sa Mall. Parang wala pa kaming balak umuwi.
"Tao ka ba talaga?" panimula kong topic.
Napataas-kilay na napatingin naman sakin si Ax.
"Ano sa tingin mo sakin, halimaw? Tss." suplado lang na sabi nito.
Napaikot ko nalang ang aking mga mata. Suplada ring tinitigan siya."Di ko kasi inaakala na mabait ka pala. Akala ko demonyo ka pero may tinatagong kabaitan ka din pala." sabi ko halos nag-small sign pa ako gamit ng daliri ko.
"Di ka kasi marunong mag-appreciate ng ibang ginagawa ng isang tao. Palagi mo kasi tinitingnan ang ibang mali nito." sabi nito na halatang natamaan ako sa sinabi nito. Ngumiti pa siyang nakatingin sa akin.
"Wait lang!" sabi ko sabay tigil sa paglakad kaya napatigil din sa pagtulak ng cart si Ax."Alam mo, mabait ka sa iba pero bakit pagdaring sakin, hindi? Palagi mo kong inaaway at inaasar. Naka-drugs ka ba?" tanong ko dito.
"Alam mo kasi pag ang isang tao ay di maganda ang pinapakita nito o kahit ugali na napakaaaaa-impokrita, di mo talaga magagawang maging mabait sa kanya. Nagi-gets mo naman sinasabi ko, di ba?" halatang pinapatamaan na pahayag nito.
Nagtitimpi ng galit na napa-cross arms na humarap ako sa kanya.
"Kung ang isang tao rin kasi na ubod ng yabang at uboooood ng sama ng ugali, di mo magagawang maging anghel sa harapan niya. Nagi-gest mo rin yan, di ba?" di papatalo na banat ko rin.
"Di ko yan, alam. Kasi kahit ni isa wala pa kong naeencounter na ganyang tao na sinasabi mo." nakangiting pilyo na sabi nito.
Sa totoo lang, ako ang napipikon saming dalawa. Nakakainis na ah?!! Ang sakit ng mga sinasabi niya. Impokrita? Ako? Yung ugali ko? Duh! Sino ba nauna samin ah?!!
Di sana ako ganito sa kanya kung di siya nagsabi niyon at nagpangako pero iiwan rin pala ako. Ikaw kaya sa posisyon ko. More than 5 years kang umaasa na bumalik siya at tuparin ang sinabi niyang iyon. Ano napala ko? Ee di wala. Kahit ni anino niya, di ko nakita doon. Para akong tangang pasahero na naghihintay ng bus sa terminal ng barko.
Nagtaka na lang ako nang hawakan ni Ax ang kamay ko at hinila na lamang ito.
"Tara na. Gabi na at kailangan na natin umuwi." si Ax na pumutol ng usapang iyon. Sa tono ng pananalita nito na para bang may tinataguan siya.
Habang hila ako nito, tumingin ako sa likuran ko at may nakita akong dalawang lalaki na di ko kilala na nakatingin sa amin ni Ax. Nakatingin pa ang dalawa na ito samin ni Ax sabay nagbulungan sila at tinuro-turo pa kami ng isa.
Di ko alam kung sino sila. Siguro stalker ito ni Ax? Kasi di ba, hearthrob si Ax. Pag ano kumalat na chismis, kakalat na sa buong campus nila. Pati ako malilintikan sa mga fans niya. Patay ako nito pag mapagkamalan na syota ako nito.
Lumabas na nga kami ng Mall at tumungo agad sa parking lot kung saan naka-parada ang kotse nito.
Alas kuwatro na ng hapon nang nakarating kami sa bahay. Saktong wala pa rin si Kuya dito at nandito palang si Kuya Brix na busy sa cp nito habang nakahiga sa mahabang sofa.
BINABASA MO ANG
He's 5 Years Older Than Me [YOUNG LOVE SERIES#1]
Teen FictionWhy does my heart beat so early in a man? We just met for the first time, it wasn't good. I know it's forbidden to like him because he's my brother's friend. Lalo na't pinagbabawal na magkagusto ako sa kanya dahil ayaw ng kapatid ko. O may mas higit...