Kabanata 81:
- Scholar -LANCE MAXIMO REZALDE POV:)
"See? Masaya kana? Masaya kana na sinira mo ang gabing ito, Margarette?" Galit na baling ni Papa kay Mama nang makaalis na si Klarisse kasama ang magulang at kapatid nito.
"Wala akong pinagsisihan sa ginawa ko." Madiin na sabi ni mama pagkatapos ay umalis na siya.
Naiwan akong nakatingin lamang kay mama na papaalis. Maya-maya bumaling ako kay Papa na nanatili pa ring nakatayo habang nakatingin lamang sa isang direksyon at malalim ang iniisip.
"Dad?" Tawag ko rito. May gusto akong itanong at ma-confirm na sana mali ang mga narinig namin kanina.
Tumingin naman ito sa akin.
"Nagkaroon kayo ng anak ni Tita Nancy?" Tanong ko rito.
Dahan-dahan namang tumango si Daddy. Kinabahan naman ako bigla. Sana mali itong kutob ko. Sana hindi nila anak si...
"Patay na ang anak namin."
Naiangat ko na lamang ang ulo ko at gulat na napatingin sa sinabi nito.
Ibig sabihin hindi niya anak si Klarisse?
"Nang ipanganak ni Nancy ang bata, patay na ito nung lumabas. Ginawa ang lahat ng mga doctor mabuhay ang anak namin pero nabigo sila." Malungkot na kwento ni Papa."Kung nabuhay lamang ang bata, may Kuya sana kayo nila Klarisse at Louis."
Nalungkot naman ako sa mga nalaman.
KLARISSE DEVELIA POV:)
Nandito na kami sa hotel. Pumasok na kami sa pinag-check-in-an namin naming kwarto na agad naman pagalit nagtanong si Kuya kila Mama at Papa.
"Ano yung mga nalaman namin kanina? Can you please explain to us?" Salubong ang kilay na tanong ni Kuya sa magulang namin.
Naiiyak na tumingin si Mama kay Papa. Tila nagsesenyasan silang dalawa na sabihin na sa amin ang totoong tinatago nila.
"Totoo ba? Itong tinatamasa nating buhay ngayon ay galing sa pinagnakawan nyo?" Tila nahihirapan pero sinabi pa rin ni Kuya Louis. Nagsisimula nang maging emosyonal si Kuya Louis.
"I'm sorry." Hinging patawad ni Mama at humagulhol na ng iyak.
"So, totoo nga mga sinabi ni Tita Margarette. Tsk!" Napatingin nalang sa ibang direksyon si Kuya at hindi matanggap ang mga nalaman bumaling ulit ito kila Mama."Tinuturuan nyo kami ng magandang asal pero kayo pala mismo gumagawa ng ganoong kasama. Nakaka-disappointed kayo." Tuluyan nang naging emosyonal si Kuya. May tumulo nang luha sa kanyang mga mata pero hindi siya nagpakita ng ibang emosyon. Pinakita pa rin niya sa magulang namin na galit at disappointed siya sa kanila.
Sa totoo lang din, na-disappointed din ako sa kanila. Akala namin hindi nila iyon magagawa pero nagagawa din pala nila. Mas lalong nasaktan ako sa aking nalaman. Matagal na panahon na nilihim nila ang katotohanan sa akin. Ang totoong sino ako.
"E yung anak nyo ni Tito Gino? Bakit nilihim nyo rin sa amin iyon?" Pagalit pa ring pahayag ni Kuya.
"Kasi..."
"Alam ko na..." Sabi ko na dahilan di naipatuloy ni Mama ang sasabihin. Napatingin naman sila sa akin."Alam ko na ang tungkol sa anak nyo mama ni Tito Gino." Prangka ko.
Nagulat naman si Mama at Papa pati si Kuya napakunot-noo habang nakatingin sa akin.
Tiningnan ko sila isa-isa. Ramdam ko ang lungkot at pagtatampo sa sarili ko. Hindi pala kami magkapatid ni Kuya Louis at hindi rin ako anak ni Papa. Isa pa, hindi na magiging kami ni Ax dahil magkapatid kami sa ama. Isang makasalanan na naging karelasyon ko ang lalaking kapatid ko pala.
BINABASA MO ANG
He's 5 Years Older Than Me [YOUNG LOVE SERIES#1]
Roman pour AdolescentsWhy does my heart beat so early in a man? We just met for the first time, it wasn't good. I know it's forbidden to like him because he's my brother's friend. Lalo na't pinagbabawal na magkagusto ako sa kanya dahil ayaw ng kapatid ko. O may mas higit...