Kabanata 88:
- The Truth -KLARISSE DEVELIA POV:)
"Sorry kung pinaghintay kita. Kakatapos lang kasi ng meeting namin." Turan kaagad ni Kuya Lloyd pagkapasok sa office niya.
"Okay lang." Nakangiting natural na sabi ko.
Nandito ako ngayon sa company niya. Gusto ko kasi may makausap at siya pumasok kaagad sa isipan ko dahil siya lang matino kausap. Medyo gulong-gulo ang isip ko ngayon kaya nandito ako para ma-relax ang utak ko at malimutan iyon.
Naupo si Kuya Lloyd sa sofa kung saan kaharap ko siya. Pumasok rin sa office ang secretary niya at nilapag ang kapeng tinimpla nito para sa amin. Bago ito magsalita ay humigop muna ito.
"Bakit di ka nagtext sa akin na pupunta ka pala dito. E di sana pina-cancel ko Muna kanina yung meeting para di ka naghintay dito ng ilang oras." Sabi nito sa akin pagkalapag ng kape sa babasaging mesa.
"Sorry. Nalimutan ko." Malumbay na sabi ko habang nakatingin lamang sa kapeng nakalapag sa mesa.
"Mukhang may gumugulo sa isipan mo ah? Ano ba iyon? Pwede mo sakin sabihin." Nahalatang tanong ni Kuya Lloyd habang minamasid ako nito.
Humigop muna ako ng kape bago magsalita.
"Kuya, medyo may gumugulo sa isipan ko. Kunti lang naman. Di naman siya yung matinding problema. Mga slight lang. Pero parang ganun na nga, okay lang naman. Hehehe." Panimula ko sabay sign pa sa kamay ng kaunti lang talaga.
Hawak ang kape habang nakatingin sa akin. Tumawa siya sa sinabi ko. Sino naman matatawa sa pag-explain ko parang di sigurado kung malala ba itong problema ko. Pagkatapos uminom ulit ng kape.
"Magbigay ka ng halimbawa kung ano yung pino-problema mo." Sabi nito sa akin.
Umayos ako ng upo. Nilapag ko sa mesa ang kape ko na kanina hawak ko. Seryosong tumingin sa kanya. Lumingon pa ako sa paligid ng office niya para magbasakali na si Kuya Lloyd lang ang makakarinig ng sasabihin ko.
"May kaibigan ako, Kuya. Ganito kasi yun...May jowa yung kaibigan ko pero nalaman nalang niya na kapatid niya ito sa kanyang ina. Kasi nalaman niyang ang tunay niyang ama ay ama ng taong minamahal niya. Dahil doon umiwas siya, nagpakalayo-layo. Pero muli silang nagkita ng ex-jowa niya na kapatid pala niya. Kaso sa tagal ng panahon na di sila nagkita, may nararamdaman parin siya dito. Ano kaya dapat niyang gawin para matigil ang kabaliwang nararamdaman niya sa lalaki?" Paliwanag ko. Halos gumamit pa ko ng ibang tao para di malaman ni Kuya Lloyd na may gusto pa rin ako kay Ax. Panigurado alam nito na magkapatid kami ni Ax.
"Mukhang mahirap yan ah?" Nilapag ni Kuya Lloyd ang kape sa mesa at bahagyang nag-isip."Sandali, nakakasigurado ba siyang magkapatid sila? Mismong magulang ba niya nagsabi na magkapatid sila ng jowa nya dati?" Tanong ni Kuya Lloyd.
"H-hindi. P-pero sabi ng kaibigan ko mismo nagsabi yung ibang tao sa kanya."
"May mali kasi. May maling move kaagad ang kaibigan mo." Umayos ng upo si Kuya Lloyd at seryoson tumingin sa akin."Dapat hindi siya nagpapaniwala sa iba lalo na sa hindi niya kadugo o mismong hindi galing sa bunganga ng kanyang ina. Dahil yan ang rason bakit nagkakaroon ng fakenews dahil sa sabi-sabi ng iba at papaniwalaan kaagad. Dapat mismo siyang magtanong sa punong-ugat talaga ng lahat dahil iyon ang makakapagsabi ng ano ang totoo o ano ang hindi totoo," Seryosong pahayag nito.
"Pero mismo na magulang ko nagpakita ng motibo para malaman ko na totoo nga iyon." Malungkot na sabi ko halos pabulong lang.
"Ah?" Di narinig tanong ni Kuya Lloyd.
BINABASA MO ANG
He's 5 Years Older Than Me [YOUNG LOVE SERIES#1]
Novela JuvenilWhy does my heart beat so early in a man? We just met for the first time, it wasn't good. I know it's forbidden to like him because he's my brother's friend. Lalo na't pinagbabawal na magkagusto ako sa kanya dahil ayaw ng kapatid ko. O may mas higit...