Kabanata 45:

327 25 1
                                    

Kabanata 45:
- True friends -

KLARISSE DEVELIA POV:)

"Hindi ko siya pinatay. Siya nagtatangkang pumatay sakin. Gusto niya ako patahimikin dahil alam niyang ako si Mimi na inako niya na siya si Mimi." Patuloy na paliwanag ni Encer.

"Ano ang gusto mong palabasin? Na sinungaling si Miyah?!" Salubong pa rin ang kilay na sabi nito.

"Impostor siya! Impostor---" di napatuloy ni Eunice ang sasabihin nang...

Nagulat ang lahat sa ginawa ni Encer kay Eunice. Napahawak nalang ako sa aking bibig sa gulat na ginawa nito sa kaibigan ko. Sinapak niya ng napakalakas ang kaibigan ko na halos natumba ito sa kinatatayuan.

Biglang may sumugod nalang kay Encer at sinuntok ito. Bumalagta nalang sa sahig ito at gulat na makita ang taong gumawa nito dito.

"Chairman." Gulat na sambit ni Cassandra at Emma nang makita na sinuntok nito si Encer.

Napasapo naman sa pisngi si Encer at ramdam ang lakas ng pagkakasuntok sa kanya ni Gio.

"Wag na wag mong sasaktan ang kapatid ko!" Sigaw ni Chairman.

Doon ko nakita kung gaano kagalit si Chairman. Lahat ng estudyante dito gulat na gulat. Hindi dahil first time nilang makita na magalit si Chairman, kundi dahil sa narinig.

"Kapatid?"
"Kapatid?"
"Ah? Magkapatid sila?"

Bulong-bulungan ng mga katabi ko.

Gulat rin si Cassandra halos hindi makapagsalita sila pati na rin si Emma at Dalton na nanlalaki mata lamang. Ganun rin kay Encer na nakaupo sa sahig at gulat na gulat sa nalamang rebelisasyon.

"Masyado ko lang pinapahaba ang pasensya ko sayo---sainyo! Hinahayaan ko kayong saktan emotionally ang kapatid ko pero di na ko papayag pati physically sasaktan nyo din." Sumbat nito. "Kung noon, malaya ninyong pagsalitaan ng masama ang kapatid ko at hinahayaan na bully-hin siya, pwes! Kakalabanin ko na kayo kahit kaibigan ko pa kayo. Oras na ata para gampanin ko na ang pagiging kapatid sa kanya dahil iyon ang tama,"

"Oo, tama narinig nyo. Kapatid ko siya. Eunice is my step-sister! At hindi ko kinakahiya iyon!" Pag-aamin ni Gio sa lahat."Kung sino man gusto manakit o sumaktan sa kapatid ko, ako na makakalaban ninyo." Matapang na sabi ni Gio sa lahat sabay tingin ng seryoso kay Encer.

Doon ako bumilib kay Chairman. Doon ko nakita ang pagiging kuya at leader niya. Ang tapang niya at nakakabilib ang tapang niya.

Tumayo sa pagkakaupo si Eunice at nilapitan ang kanyang kapatid. Hinawakan nito ang braso nito para awatin.

"Tama na, Gio. Tara, umalis na tayo." Naiiyak na pigil nito dito.

"Kaya kitang kalabanin, Encer. Isa pang saktan mo ang kapatid ko, baka hindi lang isang suntok dumapo sa mukha mo." Banta pa rin nito dito.

"Gio, t-ta-tama na." Nahihirapan huminga na turan ni Eunice.

Napapansin kong nahihirapan huminga si Sissy. Kanina ko pa napansin na namumutla ang mga labi niya at pinagpapawisan siya. Hindi siya naka-lipstick ngayon kaya kita ko sa labi niya ang pagkamutla. Kahit kanina pa na inaaway siya ni Encer napansin kong mutla na ang labi niya. Pero bakit ngayon lumala?

"Tumayo ka dyan, Encer. Magpakalalaki ka." Patuloy na turan ni Chairman.

"Tama na---"

Doon nalang natumba si Eunice na kaagad siya nasalo ni Chairman.

Nagulat nalang ako na makitang walang malay si Eunice.

"Sissy!" sigaw ko at lumapit kaagad sa kinaroroonan nito.

He's 5 Years Older Than Me [YOUNG LOVE SERIES#1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon