Kabanata 58:
- College -KLARISSE DEVELIA POV:)
[August 6, 2018]
Pababa ako ng hagdan para maghanda ng meryenda namin. Bukas pasukan ko na at unang araw ko mag-aral sa kolehiyo. Excited na ko para bukas, nakahanda na lahat ang mga gamit ko.
"Risse, ano lulutuin mong meryenda natin?" Tanong ni Kuya Kieffer sabay lipat ng channel.
"Magtu-turon ako, Kuya." Sagot ko nang dumaan na ako sa kanila.
"Hey, Bro! Nakita mo ba yung cellphone ko?" Tanong ni Kuya Brix dito nang lumabas ito ng gym. Mukhang hinanap nya din doon yung cp nya kaso hindi niya nakita.
"Di ba, pinahiram mo sa jowa mo?"
"Jowa? Sino sa lima? Hahaha!"
"Ulol!"
Kahit kailan talaga masyadong maloko ito si Kuya Brix. Hindi pa rin siya nagbabago, babaero pa din.
Paloob na sana ako ng kusina nang maabutan ko si Kuya Louis at Kuya Lloyd na nag-uusap.
"Sa tingin mo, uuwi pa yun si Ax?" Si Kuya Lloyd nang kinuha nito ang pitchel sa ref.
"Uuwi yun. Bukas na bukas andyan na yun." Sagot ni Kuya Louis habang inaalis ang pagkakadikit ng lumpia wrapper, gagamitin ko yun sa paggawa ng turon.
Nagpatuloy na ulit ako sa pagpasok sa kusina. Tumahimik naman sila Kuya nang makita ako. Nagwalang kibo lang ako na tila hindi ko narinig ang pinag-usapan nila. Kinuha ko lamang sa plastic ang saging na binili ko at binalatan na iyon.
Yes, wala si Ax ngayon dito. Two years nang wala dito si Ax at nasa ibang bansa ito. Nalimutan ko na kung kailan siya umalis. Basta tanda ko, umalis siya ng summer. Kung hindi siya umalis e di sana ngayon graduate na siya, graduate na din sana sila Kuya. Huminto din yung apat na bugok na iyon kasi wala raw iwanan kaya hihintayin nila si Ax bumalik at mag aaral ulit silang lima. Pag umuwi ngayon si Ax, 4th year college na sila ngayon.
Bukas na ang pasukan dapat umuwi si Ax kung hindi stop ulit sila.
Hindi ko alam bakit umalis si Ax. Basta ang huling pag-uusap namin yung naabutan ko siya sa kusina ng hating gabi.
***Flashbacks***
"Oh!" Nagulat ako nang makita ko si Ax nakatayo sa tapat ng ref. Kumuha ito ng can beer at mukhang may balak ito maglasing ngayong hating-gabi.
"Iinom ka rin?" Tanong nito.
"O-oo."
Kumuha ako ng baso at tumungo sa ref halos dinaanan ko pa siya. Nagsalin ako ng tubig sa baso pagkatapos sinara ang ref.
"Ano oras na?" Tanong nito pagkainom ng beer habang nakasandig ito sa lababo.
"Alas dos." Sagot ko sabay inom ng tubig. Pagkainom, pumunta ako sa lababo para hugasan ang basong ginamit ko kaya dumaan ulit ako sa harapan niya.
"Tara, inuman tayo." Yaya nalang nito sa akin.
"Sorry, di ako lasinggero tulad mo." Malditang sagot ko. Pagkahugas ng baso, nilagay ko na ito sa lagayan na saka naman nagtanong si Ax.
"May itatanong lang sana ako."
"Ano?"
"Masaya ka ba?" Makahulugang tanong nito.
"Masaya?" Napataas-kilay na tanong dito.
"Paano mo masasabing masaya ang pamilya mo?" Pagtatama nito.

BINABASA MO ANG
He's 5 Years Older Than Me [YOUNG LOVE SERIES#1]
Novela JuvenilWhy does my heart beat so early in a man? We just met for the first time, it wasn't good. I know it's forbidden to like him because he's my brother's friend. Lalo na't pinagbabawal na magkagusto ako sa kanya dahil ayaw ng kapatid ko. O may mas higit...