Kabanata 60:
- I love you with feelings -KLARISSE DEVELIA POV:)
Pagkapasok palang namin sa gym, nakita namin kaagad si Kuya Brix na palabas sana ng pinto nang harangan namin ito.
"Kuya!" Gulat ko sa kanya.
"Oh! Kayo pala. Magtatry-out rin ba kayo?" Tanong nito sa amin.
"Oo, Kuya. Sumali kaming tatlo baka makasali man lang. Hehehe." Sagot ko sa kanya habang nasa likod ang aking mga kamay.
"Ako naman taga cheer nila." Sulpot nalang ni Sissy sa likuran ko. Kanina pa talaga si Sissy sabi ng sabi ng ganyan. Proud na proud kasi siya na siya yung taga cheer namin kasi wala na raw kami mahahanap na tulad niya na maganda na nagchi-cheer sa amin. Hahaha!
"Aba! Eh di mabuti." Nakangiting turan ni Kuya Brix. Bumaling ulit siya sa akin."Nagpaalam kana ba sa Kuya Louis mo?" Pabulong na sabi nito.
"Papaalam palang. Nandito na ba si Kuya Louis?"
"May klase pa siya. Matatapos klase niya ng 5:30. Kaya mali-late siya sa tri-out namin."
"Saan ka pala pupunta, Kuya?" Pag-iiba ko ng topic. Palabas kasi siya e baka may pupuntahan siya na napigilan ko lang.
"Bibili ng ice tubig." Sabay pakita ng bente pesos.
"Ako na bibili, Kuya." Prisinta ko halos itinaas ko pa ang kamay ko.
"Sige. Bilisan mo lang ah?" Bilin pa nito.
Nakangiting tumango ako. Binalingan ko kaagad sila Chairman."Hanap na kayo ng upuan ah? Wait nyo ko." Sabi ko sa kanila.
Tumango naman silang tatlo.
Kumaripas na ako kaagad ng takbo papuntang canteen.
Nakabili na nga ako ng ice water habang nasa malaking supot ito. Naglalakad na ako ng papuntang gym nang natigilan ako sa paglalakad nang makita ko si Ax, nakasandig sa pader ng hallway at nakapamulsa habang nilalaro niya ang kanyang sapatos.
Nang makita ako nito tumayo na ito ng maayos. Ako naman yung hindi alam ang gagawin, naglakad ako na parang tanga at dinaanan lang siya. Binilisan ko paglalakad ko na ewan ko na parang takbo na ang ginagawa ko. Natigilan na lamang ako nang hawakan niya ang braso ko.
"Hay naku! Kung may gustong kang sabihin, sabihin mo na----" Di ko napatuloy pa ang gusto kong sabihin nang paglingon ko hindi yung taong ini-expect kong pipigil sa akin. Kundi si...
"Oh! Ikaw pala, Kuya Lloyd!" Turan ko kaagad at umayos ako kaagad ng tayo ng makita siya.
"Sinabihan ako ni Brix na sumunod ako sayo." Paliwanag nito.
"Nakabili na ko, Kuya. Nandoon na ba silang lahat?" Tanong ko habang hawak pa rin ang supot na naglalaman ng ice tubig. Palihim na tumitingin-tingin ako sa kanyang likuran na nagbabasakali na makita si Ax.
Nang ma-confirm na wala, hindi nga niya ako sinundan."Ano pa ba ini-expect mo, Klarisse. Di ka naman maganda para sundan ka niya." Sa loob-loob kong turan.
"Si Kuya Louis mo nalang kulang. Mga 5:30 pa yun makakapunta doon." Sagot nito.
"Tara na, Kuya. Baka ma-late tayo sa try-out." Yaya ko na nang makita sa kanyang relo ang oras. Tatalikod na sana ako nang pinigilan ulit niya ako.
"Sandali lang." Sabi nito at hinawakan niya ang braso ko at pinaharap ako sa kanya.
Takang lumuhod ito sa aking harapan. Napagtanto ko na naalis pala ang pagkakasintas ng sapatos ko at inaayos iyon ni Kuya Lloyd. Ewan ko, nakaramdaman ako ng weird, di ko maintindihan kung ano itong nararamdaman ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/190428868-288-k597506.jpg)
BINABASA MO ANG
He's 5 Years Older Than Me [YOUNG LOVE SERIES#1]
Подростковая литератураWhy does my heart beat so early in a man? We just met for the first time, it wasn't good. I know it's forbidden to like him because he's my brother's friend. Lalo na't pinagbabawal na magkagusto ako sa kanya dahil ayaw ng kapatid ko. O may mas higit...