KLARISSE DEVELIA POV:)
"Kailangan ko makausap si Ax." Nagmamadaling sabi ko nang tangkang aalis ako nang hinawakan ni Kuya Louis ang kamay ko.
"Bakit?" Takang tanong nito.
"Kuya, nagkamali ako ng nalaman. Akala ko magkapatid kami ni Ax. Kailangan ko siyang makausap baka makaalis na siya." Naiiyak na sabi ko.
Binitiwan naman ni Kuya ang kamay ko. Kaya tumakbo na ako paalis.
"Sandali!" Sigaw ni Kuya.
Lumingon naman ako.
Tinapon nito ang susi ng kotse at mabuti nalang nasalo ko iyon.
"Bilisan mo para maabutan mo pa siya." Sigaw ni Kuya.
Naiiyak na tango ko kaagad. Nang makarating sa kotse ay sumakay na ako. Pinaharurot ko kaagad ito para makarating kaagad sa airport.
Bakit nangyari ito sa amin? Bakit ang bilis ko maniwala sa iba? Ganito ba ako kabobo? Literal na bobo talaga ako. Ang sasakit pa naman ng mga salitang binitawan ko kay Ax. Alam kong nasaktan siya ng sobra. Nasaktan ko siya dahil sa katangahan ko.
Pagsisihan ko ito habang buhay pag tuluyan na siyang mawala sa akin. Nagkamali ako. Dapat nagtanong muna ako hindi agad naniniwala sa ibang tao.
[---*
"Klarisse?" Tawag ni Kuya Lloyd sa akin.
"Hmm?" Saad ko sabay kain. Nandito kami sa restaurant dahil niyaya ako nito kumain.
"May nararamdaman ka pa rin ba sa kanya?" Tanong nito na nagpahinto sa pagnguya ko. Dahan-dahan na napatingin naman ako rito."Niyaya mo ba akong kumain dahil pag-uusapan natin si Ax?" Imbes prangka ko kaagad sa kanya.
"Klarisse, pareho kayong dalawa importante sa akin pero bakit wala ka man lang iniwan na salita kay Ax nang iniwan mo siya----"
Pinutol ko ang sasabihin nito."Kuya, alam nyo ang dahilan ko bakit ginawa ko iyon."
Alam ko maiintindihan nila ako dahil alam na nila ang totoo.
"Oo, dahil iniisip mo ang pamilya mo at pamilya nya pero sana nag-iwan ka ng paliwanag kay Ax bakit mo siya iiwan o iniwan." Giit pa rin nito."Hindi mo ba alam araw-araw nasa bar si Ax. Umaga hanggang gabi, alak karamay niya. Kahit kausapin namin siya para damayan namin siya pero ni isa sa amin, tinataboy niya. Gusto niya mapag-isa."
*----]
Lumuluha kinuha ko sa bulsa ang cellphone ko para tawagan si Ax. Kaso out of reach na siya kaya mas lalong naiyak ako. Siguro nasa airport na siya o nakaalis na. Pero sana maabutan ko pa siya dahil gusto kong ayusin ang lahat na sana maayos pa.
[-----*
"Kuya Lloyd, ayaw ko marinig---"
Nagpatuloy pa rin ito sa pag-kwento.
"Palagi siyang nagmamakaawa noon sa kaibigan mong si Eunice na sabihin na contact-in mo si Ax para magkausap kayo pero bigo siya dahil ikaw mismo nagtatanggi at ayaw siyang makausap. Kahit sa magulang mo at kay Louis nagmamakaawa siya na sabihin kung saan ka sa abroad dahil pupuntahan ka niya. Pero bigo pa rin siya dahil di mo sinabi sa pamilya mo kung saan ka sa US."
Naipikit ko na lamang ang aking mga mata sa mga nalaman ko. Nasasaktan at nako-konsensya ako.
*----]
"Ax, I'm sorry." Turan ko at patuloy sa pag-iyak.
Panay busina ko na dahil nagkaroon ng traffic pero agad din lumuwang at humarurot ulit ako ng takbo.

BINABASA MO ANG
He's 5 Years Older Than Me [YOUNG LOVE SERIES#1]
JugendliteraturWhy does my heart beat so early in a man? We just met for the first time, it wasn't good. I know it's forbidden to like him because he's my brother's friend. Lalo na't pinagbabawal na magkagusto ako sa kanya dahil ayaw ng kapatid ko. O may mas higit...