Kabanata 29:
- Wallet -* Tot.tot.tot *
Napadilat nalang ako ng aking mga mata nang makarinig na tumunog na cp na malapit lang sakin. Sa pagdilat naman ng aking mga mata, nakita ko si Kuya Lloyd. Nakatingin siya sakin at bahagyang malapit ng kaunti ang mukha niya na tila bang nakayuko ito habang pinagmamasdan ako.
Kanina pa ba siya dyan?
Bahagyang nanlaki mata si Kuya Lloyd nang mahuli ko siya. Baka may binabalak na naman siyang i-goodvibes ako.
"Kuya Lloyd!" nakangiting pungad ko agad.
Lumayo agad siya. Tumayo ito ng maayos at ako naman ay umayos ng pagkakaupo sa sofa at tiningnan siya.
"Sorry. Hehe." bahagyang di mo malaman ang ekspresyon ngayon sa mukha ni Kuya Lloyd.
Tumayo ako at pinatong ko ang aking mga tuhod sa sofa na para bang nakaluhod ako doon. Nakaharap ako dito with nakahawak sa headboard.
"Ikaw, Kuya ah? Anong prank na naman gagawin mo sakin ah? Sus. Kilala kita, Kuya. Hahaha." sabi ko dito sabay kinikiliti.
"Ah?" turan lamang nito na di ko alam kung bakit ganun siya magulat.
"Sus! Pa-ah ah ka pa dyan" Pinalo ko siya sa braso."Di mo na ko mapa-prank. Bleeeh!" sabay binelatan.
"Hehehe." sambit lang nito pero di ko alam parang kakaiba siya ngayon.
"Nag-meryenda kana ba, Kuya?" tanong ko dito.
"A-ang aga pa." nautal na sagot nito.
"Di na ah? Mag-aalas 3 na." sabi ko."Wait. Gawa ako ng meryenda natin." sabi ko nang tumayo na sa pagkakaupo sa sofa."Tara, Kuya! Gawa tayo ng macaroni soup." yaya ko dito.
"S-sige." payag nito at naglakad na kami papuntang kusina.
* / / / / / /
"Ingat kayo, Kuya. Bye po!" paalam ko sa kanilang lima.
"Ingat ka dito, Klarisse ah? Wag kang lalabas basta-basta. Ah?" concern na concern na sabi ni Kuya Louis.
"Masusunod, Kuya." sabi ko nang papunta na kami ng gate.
Binuksan na nga ni Kuya Brix ang gate at kiniss na nila ako isa-isa.
"Ingat ka." sabi ni Kuya Kieffer nang kiniss ako sa noo sabay gusot ng buhok ko.
"Opo." nakangiting sabi ko.
"Ingat ka ah? Text ka sakin if may kailangan kang bilhin sa labas." sabi ni Kuya Lloyd.
"Opo." sagot ko dito.
"Sige."
Niyakap ko ito sabay kiniss niya ako sa noo ko rin.
Nang si Ax na, naiilang di ko alam if yayakapin ko rin siya o hindi. Pero dahil ako naman yung marupok at papansin, pinansin ko siya.
"Ingat ka." naiilang na sabi ko dito.
"Salamat." cold na sagot nito.
Di ko alam if magyayakapan ba kami o magshi-shake hands nalang. Walang magawa kaya pareho kami nagtaptapan sa balikat. Ewan ko pero nagkakailangan kaming dalawa, you know. Medyo awkward. Nasanay kami na magkaaway palagi.
"Ingat kayo." paalam ko sa kanila habang nasa gate lang ako.
Nagsisakay na nga sila sa sariling kotse at motor nila. Si Kuya Lloyd lang at Kuya Brix ang naka-motor samantala sila Kuya ay naka-kotse.
![](https://img.wattpad.com/cover/190428868-288-k597506.jpg)
BINABASA MO ANG
He's 5 Years Older Than Me [YOUNG LOVE SERIES#1]
Fiksi RemajaWhy does my heart beat so early in a man? We just met for the first time, it wasn't good. I know it's forbidden to like him because he's my brother's friend. Lalo na't pinagbabawal na magkagusto ako sa kanya dahil ayaw ng kapatid ko. O may mas higit...