Kabanata 86:
- Kids -KLARISSE DEVELIA POV:)
"H-hello?" Nautal na bati ko habang nakadapa sabay taas ng kamay at bahagyang winave ang kamay.
"Ginagawa mo?" Napakunot-noo bahagya na tanong ni Ax sa akin.
Tumayo ako sa pagkakadapa. Pinagpag ko pa ang damit at fitted na palda ko.
"Sorry, hinahanap ko kasi yung ipis. Kakausapin ko sana---ay isteh! Papatayin ko sana kasi alam kong ayaw mong may ipis sa office mo." Rason ko halos namali pa ko. Ayos-ayusin mo, Klarisse Napaghahalataan kang natataranta ka sa kanya. Wait? Bakit ako matataranta? Nae-excite? Ako? Sa kanya? No way! Bawal, bawal, ba-wal! Ang tanga mo pa rin, Klarisse! Wala na sa edad mo mag-ganyan-ganyan. Hayst!
Lumapit ito sa kinaroroonan ko at pinagbubuksan ang mga putahing niluto ko.
"Luto mo?" Tanong nito sabay tikim sa Menudo.
"Ah, oo. Di na ko nag-order sa labas. Mas mabuting gawa ko nalang para safe, di ba. Hehehe." Paliwanag ko halos papilit lang ang pagtawa ko.
"Good. So, let's go?" Yaya nito.
Napakunot-noo naman ako sa pagtataka."S-saan?"
"Bibili ng cake." Seryoso na sagot nito.
Sabi na e! Cake nga ang kulang.
"S-sige." Nautal na payag ko naman. Nagulat pa ko nang hawakan nito ang kamay ko at hinila.
Umalis kami sa office habang hila-hila niya ako.
*////
Nandito na kami sa harap ng pamilyar sa akin. Dito ako bumili ng brownies isang araw. Oo nga pala, siguro favorite ni Ax yung mga cakes na tinitinda dito. At sure akong dito rin siya bibili ng cakes.
Pumasok na nga si Ax sa loob halos hinintay pa niya ako makapasok ng tuluyan saka niya sinarado ang pinto na gawa sa glass. Sa di kalayuan, nakita ko si Cassandra na nagpupunas ng table. Nagulat pa ito na makita kami ni Ax. Lumapit ito at bumati sa amin.
"Good morning, Sir and Ma'am." Magalang na bati nito sa amin."Sir, bakit di po kayo nagtext na pupunta kayo rito? Di pa po tapos yung pinapagawa nyong cake." Baling ni Cassandra kay Ax.
"Andyan pa si Kate? Pumasok ba siya?" Imbes tanong ni Ax rito.
What? Kate? Sino si Kate?
"Day off, Sir." Sagot pa rin nito.
"So, kayo lang ni Layca ngayon? Asan si Layca?"
"Nasa loob, Sir. Dine-design na po yung cake nyo." Magalang pa rin na sagot ni Cassandra dito.
"Hintayin mo ko dito ah?" Baling ni Ax sa akin."Cassandra, ikaw na muna bahala sa secretarya ko." Bilin nito sa kaibigan ko.
"Sige po, Sir." Masiglang sagot naman nito.
Umalis na nga ito at naiwan kami ni Cassandra. Niyaya ako nitong umupo. Pagka-upo kaagad ito nagtanong sa akin.
"Kamusta kana? Kay Sir Ax ka pala nagtatrabaho." Nakangiting turan nito kaagad.
"Oo. Wait! Regular customer nyo sya?" Sagot at tanong ko.
"Di lang regular customer, siya pa boss namin.." Nakangiting sagot nito.
"Ah?!" Gulat na gulat na saad ko."Boss?"
"Di mo ba alam? Si Sir Ax nagmamay-ari nitong pinagtatrabahuan ko."
BINABASA MO ANG
He's 5 Years Older Than Me [YOUNG LOVE SERIES#1]
Novela JuvenilWhy does my heart beat so early in a man? We just met for the first time, it wasn't good. I know it's forbidden to like him because he's my brother's friend. Lalo na't pinagbabawal na magkagusto ako sa kanya dahil ayaw ng kapatid ko. O may mas higit...