Kabanata 31:
- School -"Kuya, paabot nung palaman." pasuyo ko kay Kuya Louis habang nag-aalmusal kami ngayon.
"Oh." Inabot naman sakin iyon ni Kuya.
"Salamat, Kuya."
Binuksan ko kaagad iyon at pinalamanan ang bread. Nilagay naman sa aking tapat ni Kuya Lloyd yung pinatitimpla ko sa kanyang gatas ko.
"Yan na, Princess para tumangkad ka pang kaunti." sabi nito pagkabigay sabay upo sa tabi ko.
"Hahaha! Salamat, Kuya." pasalamat ko habang pinapalaman ko pa rin yung tinapay.
"Hoy! Bro, saan mo yun nilagay? Hindi yun sakin. Kay Sid yun." si Kuya Brix na kakadating lang at papunta sa kusina kung saan kinaroroonan namin.
"Di ko alam. Baka andun kay Lope, siya kumuha ng CD." sagot naman ni Kuya Kieffer na kasabay din nya papunta dito si Kuya Brix.
"Hanapin mo yun mamaya. Alam mo naman ayaw ni Sid na palitan yun ng bago. Kung ano yung hiniram natin, yun din dapat isauli natin. Alam mo naman masyadong mahalaga sa lalaking iyon kahit luma pa yan, sinasanto na niya." sabi ni Kuya Brix nang kumuha ito ng pandesal at kumagat agad.
"Basta na kay Lope yun. Alam ko kinuha niya yun ee." sabi ni Kuya Kieffer nang pumunta sa likuran ko."Painom ng gatas mo, Klarisse." sabi nito sabay kuha ng gatas ko.
Tumango lang ako bilang payag. Pipigilan na sana ni Kuya Lloyd ito kaso uminom na ito.
Pagkainom, nilapag na niya iyon sa mesa.
"Salamat. Tinatamad na kasi ako magtimpla." sabi nito nang makainom. Kukuha na sana ito ng pandesal nang pinalo ni Kuya Lloyd yung kamay nito."Aray!" sambit nito.
"Bakit mo ininom iyon? Tinimpla ko yun para kay Princess." sabi nito dito.
"Pasensya na. Wala ee nakainom na ko." nakangiting sagot ni Kuya Kieffer sabay kuha na ng pandesal sabay kagat. Halos parang iniinsulto pa niya si Kuya Lloyd habang kumagat siya ng tinapay sabay nakangiti pa rin na umalis ito."Bye sainyo! Una na ko! Susunduin ko pa si baby ko." paalam ni Kuya Kieffer habang kumakain ng pandesal.
"Mongoloid ka talaga, Kieff!" naasar na pang-insulto qni Kuya Lloyd dito.
"Same, Mama. Hahaha!" biro naman nito dito.
"Ako din, susunduin ko muna yung mga babies ko. Una na din ako sainyo." paalam ni Kuya Brix at kumuha pa ng bread na nalagyan na niya kanina ng palaman."Bye!" paalam nito nang kumagat ng tinapay.
"Timplahan ulit kita ng gatas mo, Princess. May laway na ito ni Kuya Kieff mo. Wag mo na ito inumin. May germs na 'to." baling sakin ni Kuya Lloyd at kinuha yung baso na naglalaman ng gatas.
"Wag na, Kuya." sabi ko.
Tumayo na ito sa pagkakaupo at pumunta sa lababo. Binuhos lang niya iyon doon at magtitimpla ulit siya ng panibago. Sayang yung gatas.
"Klarisse, tumawag kana ba kila Mama? Nasabi mo na bang nakapag-enroll kana?" tanong ni Kuya Louis sakin na busy kanina sa cp nito.
"Opo noong isang araw pa, Kuya." sagot ko dito."Oo nga pala, Kuya, kailan ako dadalawin ni Ate Mirah dito? Miss ko na sya ee."
"Naku! Wag na wag mo yan sa akin hahanapin ang babaeng yan. Naha-highblood lang ako pag naririnig ko ang pangalan ng bruhang iyan."Nag-iba naman timplada ngayon ni Kuya dahil sa na-topic ko yung kinaiinisan niyang babae.
"Sus! Si Kuya naman baka isang araw malaman ko kayo na." pabiro kong sabi dito.
"Hala!" react agad ni Kuya. Kita ko sa mata niya ang pagkataranta halos yung ekspresyon ng mukha talaga niya ee nakakatawa.
BINABASA MO ANG
He's 5 Years Older Than Me [YOUNG LOVE SERIES#1]
Teen FictionWhy does my heart beat so early in a man? We just met for the first time, it wasn't good. I know it's forbidden to like him because he's my brother's friend. Lalo na't pinagbabawal na magkagusto ako sa kanya dahil ayaw ng kapatid ko. O may mas higit...