Kabanata 24:
- Clyde -Nanlaki mata naman ako sa nalaman. Di ko alam kung matutuwa ba ako o hindi. Indirect Kiss? Seryoso?! Nag-kiss kami ni Ax pero yung indirect lang?
Tiningnan ko sila isa-isa. Nakatingin lang sa malayo si Ax at bahagyang namumula ang mukha niya na di ko alam kung bakit. Sila Ate Mirah at Kuya Brix panay tawa lang at halatang kinikilig. Samantala si Kuya matalim ang mata na nakatitig sa akin.
Napaiwas tingin naman ako.
Napahawak nalang ako sa lips ko at di pa rin makapaniwala sa sinasabi nila. Nag-kiss kami ni Ax?!! Sa bottle ng tubig?! Seryoso? Wtf! So, siya ang first kiss ko kaso nga lang indirect lang?
"Kasalan na! Hahaha!" kantiyaw sa amin ni Kuya Kieffer.
"Bwahaha! Loko! Kasal agad?! Di ba pwedeng ligawan muna? Hahaha!" si Ate Mirah at lakas kung makapang-asar.
Nakasimangot na panay hawak ko sa lips ko at di ko alam parang di na ko mapakali. First kiss ko si Ax. Dapat ba ako kiligin?
Napatingin ako kay Kuya Lloyd at kita ko pa rin sa mukha nito ang pagkabigla. Bahagyang napasimangot pa ito.
Bumaling ulit ako ng tingin kay Kuya. Kita ko pa rin nito ang di pagkagusto sa ginawa ko. Kaya kailangan ko agad putulin ang hot situation ko ngayon.
"Hala! Grabe naman kayo! Di na uso yang indirect kiss na yan. And duh! Iniinom ko din kaya mga pinag-inuman na baso nila Kuya Lloyd. Sa tingin nyo, indirect kiss pa iyon? And duh again! Wala yan sa environment ko yang 'indirect kiss' na yan. Be mature! Di na uso yan sa panahon ngayon." sabi ko sa kanila.
"Pano yan? Eh uso pa yan samin? Di ba, Brix?" si Ate Mirah at halatang di kami tinatantanan ng unggoy na si Ax.
"Oo nga." agree naman nito pati si Ate Lope nakikisabay na rin.
Nag-appear-an pa silang apat.
Di ko alam pero unti-unti nang nararamdaman kong nang-iinit ang mukha ko. Kinikilig ata ako. Sh*t!
"Halatang si Ax, kinikilig oh. Namumula oh. Hahaha!" sabi ni Kuya Kieffer sabay turo kay Ax.
"Hala! Di ah!" tanggi naman nito nang magkatinginan kami, umiwas tingin ito at nagmu-murmuring pa ito."Asa pa itong babaeng ito. Yuck!" sabi nito na parang siya lang nakakarinig.
"Oo nga ate. Kayo lang nag-iisip ng ganyan." sabi ko nalang bilang pagtanggi rin.
Ewan ko ba pero parang nalungkot yung puso ko. Sa pag tanggi ni Ax parang nawalan ako ng gana. Feeling ko, tinutusok ng karayom ang puso ko.
"Sus! Kinikilig lang naman kayong dalawa. Tanggi pa kayo. Hahaha!" sabi ni Kuya Kieffer at nagsitawanan ulit sila.
"Itigil nyo na yan."
Napatingin nalang kaming lahat kay Kuya Louis na sumulpot nalang. Biglang natakot tuloy ako. Mukhang di nagustuhan ni Kuya yung pag-aasar samin nila Ate Mirah kay Ax.
"Baka may mapikon." sabi pa ni Kuya pero halata sa boses nito ang pagka-seryoso.
"Hmmm." sambit nila Kuya Brix na na-realize at naramdaman nila na kakaiba na ang awra ni Kuya. Pumunta na ito sa kanya-kanyang pwesto para makalayo kay Kuya.
"Ate Lope, asan yung C.R nyo dito?" tanong ko dito.
"Deretsyo ka lang saka pagkadaan mo ng dalawang hallway, lumiko ka at makikita mo na doon yung C.R ng babae at lalaki." nakangiting sagot nito sa tanong ko.
"Salamat. Sige. Maiwan ko muna kayo. Ewan ko, masyado kayong judgemental." sabi ko habang napapailing. Tumalikod na ako para pumunta nga sa C.R. Gusto ko na mag-wiwi.
BINABASA MO ANG
He's 5 Years Older Than Me [YOUNG LOVE SERIES#1]
Novela JuvenilWhy does my heart beat so early in a man? We just met for the first time, it wasn't good. I know it's forbidden to like him because he's my brother's friend. Lalo na't pinagbabawal na magkagusto ako sa kanya dahil ayaw ng kapatid ko. O may mas higit...