Kabanata 5:
- Chain's Birthday -"Ako nalang." prisinta na lamang ni Ax.
Lahat kami napatingin dito halos naging seryoso ang tingin ni Kuya Louis kay Ax. Ako naman ay di makapaniwala na magpi-prisinta siya. Balak ko naman sana na sabihin na si Ax nalang ang mag-piggy back sakin pero ito nangyari. Siya na nagsabi na siya nalang.
Totoo ba ito? Si Ax ba ito? Ito na kaya yung panahon na may gusto na siya sakin?
"Wag na, Ax. Si Lloyd nalang---" sabi ni Kuya nang di niya nasabi pa ang gusto pa niyang sabihin nang magsalita si Kuya Lloyd.
"Aba! Ikaw nalang, Ax. Sana kayanin mo ang bigat ni Klarisse. Nagfe-feeling baby pa ee damulag na nga siya." pabiro na sulpot ni Kuya Lloyd.
Pinalo ko naman ito sa braso na agad naman siya napalayo sakin at napatawa.
"Grabe! Unggoy!" bansag ko nalang dito.
Pero halata kay kuya na di siya payag. Ewan ko ba't ganito ang ekspresyon niya ngayon. Siguro nga, natatakot siya baka lalo ako ma-fall kay Ax. Sabagay, may gf kasi ito ee. Masasaktan lang ako lalo nito ee.
"Na-piggy back nyo na kasi si Klarisse at ako nalang ang hindi. Kaya ako nalang. Unfair ko naman kasi di ko pa kinakarga si Klarisse." mahinahong saad ni Ax.
"Wag na---" tatanggi sana si Kuya nang lagyan ni Kuya Kieffer ang bibig nito ng bayabas.
"Sayo na yan, Louis. Tara na't maggagabi na!" sabi nito nang lagyan ng bayabas sa bunganga si Kuya at inakbayan na ito paalis.
Walang magawa si Kuya kaya nagpatangay na siya kay Kuya Kieffer.
Di ko alam napangiti ako habang nakatingin dito. Pagkakataon ko na ito. Yes!
Nagsilakad na nga sila at saka na lumuhod sa harapan ko si Ax para i-piggy back ako.
"Tara na, Klarisse." sabi nito.
Ang guwapo ng boses niya. Nakakakilig naman. Akala mo dalaga na ako kasi feeling ko girlfriend ko na si Ax. Fafa Ax, akin ka nalang.
Di ko alam kung hahawakan ko ba ang balikat nito o ipupulupot ko nalang ang kamay ko sa leeg nito. Ganito ata yung sinasabi nilang matataranta ka sa taong mahal mo na di mo napaliwanag kung bakit.
Wala! Napanood ko lang sa T.V.
Slow motion na pinaikot ko ang kamay ko sa leeg niya at pagdampi ng katawan ko sa kanyang likuran. Feeling ko nasa romantikong drama kami. Siguro, pag istorya ito, kikiligin na ako.
Wish come true! Nahawakan ko na si Ax. Malala pa, nakayakap pa ko sa kanya kahit likuran niya lang dumadampi. Hihihi.
Doon na nga tumayo si Ax habang karga niya ako sa kanyang likuran. Nagsimula na nga itong maglakad. Nauuna sila Kuya at nahuhuli kami ni Ax. Kina-career ko na ang nangyayari ngayon. Feeling na feeling ko dalaga na talaga ako.
Di ko alam parang huminto ang mundo ko. Lahat slow motion at di ko maiwasang mapatitig sa mukha ni Ax kahit naka-side view ito. May ngiti sa mga labi na tinitingnan ko ang maputi at makinis niyang pisngi, cute na tainga niya, kilay na medyo kakapalan, mata niyang brownish ang kulay, may pagkakahaba ang pilik-mata, ang ilong niyang napakatangos at...
"Klarisse, yung ano pala gsgxhcjidjd."
...at ang kanyang labing kay sarap tingnan kahit nagsasalita siya.
Hayyy. Kailan kaya ako magiging dalaga na? Ba't kasi ang tagal ng oras. Gusto ko nasa edad na ko ng pwede na mag-syota. Kung manliligaw si Ax sa akin, sasagutin ko sya agad. Mali-mali! Sabi pala pa-hard to get muna. Para may thrill. Hihihi.
![](https://img.wattpad.com/cover/190428868-288-k597506.jpg)
BINABASA MO ANG
He's 5 Years Older Than Me [YOUNG LOVE SERIES#1]
Novela JuvenilWhy does my heart beat so early in a man? We just met for the first time, it wasn't good. I know it's forbidden to like him because he's my brother's friend. Lalo na't pinagbabawal na magkagusto ako sa kanya dahil ayaw ng kapatid ko. O may mas higit...