Kabanata 62:
- Panty -KLARISSE DEVELIA POV:)
"Short saka jacket kaya ako? Total, malamig sa Mall." Turan ko at tinaas ang jacket na pink na naka-hanger pa."O kaya pantalon saka ternuhan ko ng plain t-shirt na white?" Sabay taas naman ng kaliwang kamay ko na may hawak na t-shirt at pantalon."Panget!"
Binaba ko ang damit at naghalungkat ulit sa kabinet. Sa sobrang stress dahil wala akong makitang damit, naalis sa pagkaka-kabit ang tuwalya sa katawan ko kaya nangyari, nahulog yun. Pupulutin ko na sana ito sa sahig na biglang may pumasok nalang na di kilalang nilalang na walang pahintulot.
Napatigil ako at nanlalaki mata na makita ang taong iyon. Nanlalaking mata nang makita si...
"Ahh!"
"So...so-sor..." Yan lamang nasasambit niya at nanatiling nakatitig sa akin halos hindi siya makagalaw.
Dali-dali ko kinuha ang tuwalya at tinakpan ko sa katawan ko na bigla na naman may pumasok sa kwarto ko.
"Hoy, Brix! Umayos ka----" Di napatuloy ni Kuya Lloyd nang makita ang ayos ko halos napa-breeze siya habang nanlalaking matang nakatingin sa akin. Taas-baba pa niya akong tiningnan at nanlaki lalo ang mata niya.
Sabay na tumalikod agad sila ni Ax na puno pa rin ng pagkataranta.
"Sorry. Sorry." Sabi ni Kuya Lloyd.
"Hindi namin sinasadya." Hinging patawad naman ni Ax habang nakatalikod sila.
"KUYAAAAA!"
*/////
"Ano ba nangyari at nakapunta kayo sa kwarto ni Klarisse?" Tanong ni Kuya Louis sa dalawa na kasalukuyang nakaluhod at nakataas pareho ang kanilang mga kamay.
Ako naman ito panay iyak sa dibdib ni Kuya Kieffer habang hinahagod niya ang aking likod.
"Sshh. Okay lang yan, Klarisse." Mahinang sabi ni Kuya Kieffer sa akin.
"Sorry, Bro. Akala kasi namin kwarto ni Brix yung napasukan namin---" Di napatuloy pag-explain ni Kuya Lloyd nang magsalita si Kuya.
"Paano kayo nagkamali? Alam nyo namang saan naka-pwesto ang kwarto ni Brix." Mahinahon na turan ni Kuya. Makikita mo sa mukha niya na pagiging normal pero kinikimkim muna nito ang galit sa dalawa.
Nandito kami sa sala, nakaupo ako sa sofa katabi si Kuya Kieffer habang nasa kabilang sofa naman si Kuya Brix na panay tawa pa rin dahil sa nasaksihan sa dalawa niyang kaibigan. Si Kuya nakatayo lang habang kaharap nito sila Kuya Lloyd at Ax na nakaluhod.
"Sinundan ko lang naman si Ax e." Sagot ni Lloyd sabay tingin kay Ax.
"Kinikiliti mo kasi ako. Sa sobrang tawa ko, iba na pala pinasukan ko." Sagot naman ni Ax dito.
"Nagsusumbatan pa kayong dalawa e pareho naman kayong may kasalanan." Na-i-stress na turan ni Kuya. Magsisimula nang mag-sian si Kuya.
"Naku! Patay kayong dalawa. Sabi ng matatanda, pag nahuli ng binata na hubad ang dalaga, ipapaasawa na daw doon kasi nakita na yung tinatago ng babae." Natatawang kwento ni Kuya Brix.
Nanlaki mata naman ako sa sinabi ni Kuya. Nakita? Nakita ang katawan? Ipapakasal? May nakita ba si Ax? Si Ax lang naman nakakitang ubod-hubad ako. Waaa! Kainis! Nakakahiya talaga!
"Sino nakakitang hubad si Klarisse?" Tanong ni Kuya at hindi sumagot ang dalawa. Nanatiling nakayuko lamang ito.
"May nakita ka?" Tanong ni Kuya kay Kuya Lloyd.
BINABASA MO ANG
He's 5 Years Older Than Me [YOUNG LOVE SERIES#1]
Teen FictionWhy does my heart beat so early in a man? We just met for the first time, it wasn't good. I know it's forbidden to like him because he's my brother's friend. Lalo na't pinagbabawal na magkagusto ako sa kanya dahil ayaw ng kapatid ko. O may mas higit...