Kabanata 27:
- Pool -Nagising ako sa sunod-sunod na katok sa kuwarto ko.
"Klarisse! Gising kana dyan! May bisita ka." si Kuya Kieffer.
Pupungas-pungas na bumangon ako.
"Wait lang po." sabi ko sabay hikab.
"Bilisan mo ah? Kanina pa siyang naghihintay sa ibaba." sabi pa nito.
Kinuha ko yung ipit na nasa night table at inipit ang buhok ko."Bakit? Sino ba yung bisita ko, Kuya Keiff?" tanong ko habang sinusuot ko na yung tsinelas kong pangbahay.
"Basta bumaba ka nalang." sabi nito at umalis na siguro ito.
Dali-daling tumayo ako at tumungo sa salamin at tinitingnan baka may muta ako sa aking mata. Nang makita kong wala namang mali sa mukha ko saka na ako naglakad patungo sa pintuan.
Tahimik na lumabas ako ng kuwarto at tumungo sa hagdan.
Di pa ko nakaka-baba ng hagdan, nakita na agad ako ni Kuya Kieffer.
"Andyan na pala siya." sabi nito kila Kuya.
Nandodoon silang lahat at ang bisita lang naman pala namin ay si Ate Lope.
"Hi, Klarisse." bati nito sakin nang mkita ako halos napatayo ito sa kinauupuan.
"Hello, Ate Lope. Goodmorning po." bati ko nang makalapit na sa kinaroroonan nito.
Nag-beso naman kami nito.
"Bakit nyo po pala ako hinahanap, Ate?" tanong ko dito.
"Gusto mo sumama?" nakangiting sabi nito habang hawak ang magkabilang braso ko.
"Saan po?" takang tanong ko.
"Sa outing namin ng mga kaibigan ko. Pupunta kami sa isang resort at magsi-swimming kami. Gusto kita isama para makapagpasyal ka. At gusto ka rin makilala ng mga kaibigan ko saka lagi ka nalang kasi dito sa bahay nyo kaya mas mabuting mag-enjoy ka muna habang di ka pa pumapasok. Enjoy-in mo muna bakasyon mo." yaya ni Ate Lope sakin.
"Outing? Hmm baka di ako pwede doon, Ate saka kasama ba sila Kuya?" tanong ko.
"Sasama ako, Princess." sulpot nalang ni Kuya Lloyd.
"Kami rin." sabay turan ni Kuya Brix at Kuya Kieffer.
"Ee ikaw, Kuya?" baling ko dito.
"May klase ako ngayon. Di ako makakasama sainyo." sabi ni Kuya.
Nalungkot naman ako.
Bumaling ang tingin nila kay Ax na busy na nanonood sa T.V.
"Ikaw, Tol? Sama ka?" tanong ni Kuya Brix dito.
"May gagawin ako. Kayo nalang. Ingat nalang sainyo." di tumitingin na sagot nito habang nakabaling lang ito sa pinapanood.
"Sama kana, Ax. Sus! Wag kj!" pamimilit ni Ate Lope dito sabay tapik sa braso ni Ax habang nakaupo ito sa sofa. Nasa tapat lang kasi namin ito kaya madaling natapik ito ni Ate Lope.
"Enjoy nalang." cold pa rin na sagot nito at nasa T.V pa rin ang atensyon nito.
"So, panu yan? Mag-ayos kana, Klarisse. Papunta na dito yung mga kaibigan ko, susuntuin tayong lima." baling ni Ate Lope sakin.
"Sige po."
Tumungo na nga ako sa kuwarto ko para kumuha ng damit at mag-ayos na rin.
* / / / /
Nasa Van na nga kami kasama ang tatlo na babaeng kaibigan nga ni Ate Lope at kasama rin ang kanya-kanyang boyfriend pero yung isa lang na walang dalang boyfriend.
![](https://img.wattpad.com/cover/190428868-288-k597506.jpg)
BINABASA MO ANG
He's 5 Years Older Than Me [YOUNG LOVE SERIES#1]
Ficção AdolescenteWhy does my heart beat so early in a man? We just met for the first time, it wasn't good. I know it's forbidden to like him because he's my brother's friend. Lalo na't pinagbabawal na magkagusto ako sa kanya dahil ayaw ng kapatid ko. O may mas higit...