Kabanata 71:

376 25 2
                                    

Kabanata 71:
- Lloyd's confession -



KLARISSE DEVELIA POV:)

Pababa na kami ni Ax para umuwi na. Mag aalas 11 na baka hanapin na ako sa bahay at baka nga nakauwi na si Kuya galing sa tina-trabahuan ni Papa. Dahan-dahan lang kaming naglalakad ni Ax habang siya ang may hawak ng basket na pinaglagyan ko kanina ng pagkain. Mabuti nga di masyado mainit ngayon, maulap-ulap pa rin ang kalangitan at nagbabadyang uulan na naman.

"Nabitin ako." Turan na lamang ni Ax na dahilan napatingin ako sa kanya.

"Bitin?"

Tumango siya."Gusto ko pa i-extend ng oras. Gusto pa kitang makasama ng matagal." Malungkot niyang pahayag.

"Mamaya pa naman makakapagsama pa rin tayo. Magluluto-luto kayo nila Kuya mamaya kila Kuya Lloyd di ba?" Nakangiting sabi ko. Kasama ako syempre di pwede wala ako.

"Sa totoo lang, nagseselos ako." Turan nalang maya-maya ni Ax habang nakatingin sa daan.

"Ah?" Tanong ko.

Tumingin siya sa akin ng seryoso."Nagseselos ako kada nakikita kong ang close nyo ni Lloyd." Amin niya."Lalo na nililigawan ka na niya ngayon at nakapagpaalam na siya sa Kuya mo. Nasasaktan ako kasi botong-boto sila kay Lloyd para sayo."

Tumigil ako sa paglalakad kaya huminto rin siya sa paglalakad. Medyo may distansya kaming dalawa. Nakatingin lang kami sa isa't-isa habang may space sa pagitan namin. Dahan-dahan hinakbang ko ang mga paa ko papunta sa kanya. Slow motion na niyakap ko siya at pinaramdam sa kanya na mahal na mahal ko siya.

"Kahit anong mangyari, di kita iiwan. Mawala na ang lahat, wag lang ikaw, Ax." Madamdaming pahayag ko.

Niyakap rin niya ako ng mahigpit at ramdam ko rin na mahal na mahal niya ako."Kahit anong mangyari, di ako susuko sa ating dalawa. Kahit dumating man ang panahon na ayaw mo na, pipilitin kong bumalik ka ulit sa akin." Madamdaming sabi rin niya. Humiwalay kami sa pagyayakap at tinitigan ako nito sa mga mata ko habang hawak ang magkabilang pisngi ko."Pinapangako ko na hindi kita sasaktan, mamahalin kita at aalagaan." Pangako niya sa akin.

Naluluhang napangiti na lamang ako. Ito ang pangako niya sa akin. Natupad na niya ang unang pangako niya na liligawan niya ako at ito na nga, kami na. Ngayon, ito naman ang pangalawang pangako niya at alam kong tutuparin niya iyon.

Lumuhod nalang si Ax patalikod sa akin. Napakunot-noo naman ako sa ginawa niya. Di ko alam bakit niya ginawa ito.

"Sakay na." Sabi lang niya.

"Ah?" Nalilitong saad ko.

Tinuro-turo niya ang likod niya. Saka ko lang na-gets na ipi-piggy back niya ako. Di na nagpaligoy-ligoy pa, sumakay kaagad ako sa likod niya at dahan-dahan tumayo. Naglakad na kami habang piggy back niya ako. Naalala ko nalang ang panahon na mga bata pa kami. Piniggy back rin niya ako noon at parang naulit lang ngayon.

Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon at hindi ko maiwasang titigan ang mukha ni Ax. Natagpuan ko nalang ang sarili kong nakangiti. Masasabi ko lang, sobrang saya ko. Dati na umiiyak pa ako noon dahil sa kanya. Ngayon, napalitan ng saya at tuwa. Gusto ko palagi nalang kaming ganito. Sana nga huminto ang oras at makisama ang panahon na palagi ko lang kasama si Ax. Kada kasama ko siya, nako-kompleto na kaagad ang araw ko.

*/////

"Ano ba lulutuin natin?" Tanong ni Kuya Brix habang naglalakad kami papunta sa bahay nila Kuya Lloyd. Doon kasi napag-usapan nilang magluluto-luto.

"Pancit nalang raw sabi ni Louis." Sagot ni Kuya Kieffer habang nakatutok sa kanyang cellphone. Ka-chat kasi niya si Kuya at pinag-uusapan nga kung ano ang lulutuin.

He's 5 Years Older Than Me [YOUNG LOVE SERIES#1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon